Hindi lamang ang mga taga subaybay ng basketball lalo na ng NBA ang nag-abang sa desisyon ni Kawhi Leonard kung tutuloy ba siya sa LA Clippers gayung maging ang kapalaran ng mga NBA stars na sina LeBron James at Anthony Davis ay nakasalalay din sa maging desisyon ng una.
Sa maniwala kayo o hindi ito ay isang magandang bagay pra sa mag nasabing malalaro, gayung ang max cap space na umabot ng $32 million ay nagbigay pahintulot sa mga koponan na humakot ng mga superstars upang maging malakas na koponan sa susunod na taon.
Naging mabilis ang tugon ng mga koponan dito gaya ng paganunsiyo ni Danny Green na pipirma siya ng two-year, $30-million kontrata sa koponan ng Lakers gayundin si Kentavious Caldwell-Pope na may two-year $16-million contract sa nasabing koponan.
Bukod dito,tinanggap na din ni JaVale McGee ang two-year $8.2-million deal upang makasama si Lebron sa koponan ng Lakers.
Dumagdag pa sa listahan sina DeMarcus Cousins, an pumayag sa $3.5-million, one-year deal at si Rajon Rondo, na may two-year deal sa $2.6 million sa 2019-20 na may player option sa ikalawang taon.
Ang nasabing rigodon ay umiikot ngayon sa pagitan ng dalawang koponan ng Los Angeles ang Lakers at Clippers.
Gayunman, sinisiguro pa rin ng koponan ni :LeBron na may kalalagyan pa rin sila sa susunod na taon kahit pa nga nasa poder na ng Clippers si Leonard.