• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

NBI, pinakikilos sa PhilHealth

Balita Online by Balita Online
June 11, 2019
in Balita
0
Paggastos sa PhilHealth funds, ipinasisilip
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inatasan ni Pangulong Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga iregularidad sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Inanunsiyo ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pahayag matapos na makipagpulong ni Duterte sa mga board member ng state insurance fund sa Malacañang, nitong Lunes.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Panelo na inatasan ang NBI na imbestigahan ang mga iregularidad sa PhilHealth, ngunit siniguro naman niyang bukas pa rin sa puliko ang serbisyo ng PhilHealth kahit sumasailalam na ito sa imbestigasyon.

“President Duterte directed the National Bureau of Investigation to conduct a full-scale investigation on the alleged irregularities concerning the past practices of PhilHealth,” sabi ni Panelo nitong Lunes ng gabi.

“We assure our people that the services of PhilHealth will remain unhampered as operations will continue and will be momentarily run by second-level officials pending the subject investigation,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay sinabihan ni Duterte si PhilHealth acting president Roy Ferrer, mga board member, at regional vice president na mabitiw sa puwesto dahil sa alegasyon ng umano’y nalustay na milyun-milyon ng korporasyon.

Samantala, isang doktor ang balak italaga ni Duterte na mamuno sa PhilHealth bilang bahagi ng “paglilinis” dito.

Inanunsiyo ni Presidential Spokesman Salvador Panelo nitong Martes na hinihintay pa umano ng Pangulo ang sagot ni Dr. Jaime Cruz sa alok nitong maging bahagi ng PhilHealth.

Ang pangalan ni Cruz ay binanggit ng Pangulo habang tinatalakay ang alegasyon laban sa PhilHealth, sa isinagawang Cabinet meeting sa Malacañang nitong Lunes.

-Argyll Cyrus B. Geducos at Genalyn Kabiling

Tags: national bureau of investigationPhilippine Health Insurance Corporation
Previous Post

Revamp sa NAIA officials, domestic flights sa Sangley airport

Next Post

HDO vs WellMed owners, ihihirit

Next Post
HDO vs WellMed owners, ihihirit

HDO vs WellMed owners, ihihirit

Broom Broom Balita

  • ‘Valentina,’ may new look para sa finale ng ‘Darna’
  • Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa Davao Occidental
  • Guanzon sa planong pagbuo ng WRMO: ‘They might pack this Office with incompetent cronies’
  • Pokwang, ‘nagsinungaling’ para pagtakpan si Lee O’Brian; nasasayangan sa mga sakripisyo
  • ‘Say hello to Bobi!’ Bagong naitalang oldest dog ever, miraculous daw na nabuhay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.