Raptors, kinadlit ang Warriors sa Oracle
OAKLAND, California (AP) — Bawat bitiw sa opensa ni Stephen Curry may ganting hirit sina Kawhi Leonard, Kyle Lowry at Danny Green. Sa huli, mas nanaig ang lakas ng Toronto Raptors laban sa kulang sa players na defending two-time champion Golden State Warriors.

Hataw si Leonard sa naiskor na 30 puntos, sa gabing naitala ni Curry ang playoff-best 47 puntos, para sandigan ang Raptors sa 123-109 panalo kontra sa Warriors sa Game 3 ng NBA Finals nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).
Kumikig din si Curry ng walong rebounds at pitong assists, ngunit kulang sa suporta, higit at hindi nakalaro ang mga injured na sina Kevin Durant , Klay Thompson at backup big man Kevon Looney.
“They outplayed us. They deserved it,” pahayag ni Warriors coach Steve Kerr. “I’m very proud of our effort, and now we just got to bounce back and hopefully get back here in here Friday night and hopefully get a little healthier and get some guys back.”
Sa unang pagkakataon sa career playoff, hindi nakalaro si Thompson matapos magtamo ng injury sa kaliwang hamstring sa panalo ng Warriors sa Game 2, habang si Looney ay ipinahinga na sa buong serye bunsod nang cartilage fracture sa kanang balikat malapit sa collarbone na natamo niya rin sag same 2.
Hindi pa sigurado kung makababalik na sa laro si Durant, two-time reigning NBA Finals MVP, dahil sa natamong strained right calf.
Kumpiyansa si Kerr na makakabawi ang Golden State sa Game Four sa Biyernes (Sabado sa Manila) sa Oracle Arena.
Nag-ambag sy Lowry ng 23 puntos, tampok ang limang three-pointers, habang kumasa si Green ng 18 puntos, kabilang ang anim na three-pointer.
“I give our guys a lot of credit. I thought we answered a lot of runs,” sambit ni Raptors coach Nick Nurse. “Each time they chipped, we kind of answered back. And that’s kind of what you got to do if you’re going to keep your lead.”
Naghabol ang Warriors sa 96-83 sa final quarter at nahila ng Raptors ang bentahe sa back-to-back basket ni Serge Ibaka. Nag-ambag si Siakam ng 18 puntos.
“We’re at a point in the series we’ve got to get out and guard these dudes,” pahayag ni Nurse.