Makararanas ng power interruption ang 12 na bayan at isang lungsod sa Pangasinan, sa Sabado, Hunyo 8.
Ito ang babala kahapon ng Pangasinan Electric Cooperative (Panelco III ) at sinabing kabilang sa mga lugar na maaapektuhan nito ang Nancayasan, Portion of Dilan-Paurido, Camanang, Consolacion, Macalong, Tipuso, Sto. Domingo, sta. Lucia, Palina East, Palina West, Labit Proper, Bliss-Buenlag, Cabuloan, Casantaan, Bolaoen, PT Orata, Bactad East sa Asingan.
Apektado rin nito ang Palaris, Toboy, Sobol, Bobonan at Coldit sa Urdaneta at San Juan, San Vicente (Sitio Pao, Sitio Bato at Sitio An-anonas) sa San Manuel.
Kasama rin dito ang Rosales, Balungao, Sto .Tomas, Villasis, Sta Maria, San Nicolas, Natividad, Tayug, San Quintin at Umingan sa nabanggit na lalawigan.
Pinayuhan din ng nasabing electric utility company ang kanilang consumers na paghandaan ang nasabing power outage.
Idinahilan din ng nasabing kumpanya ang isinasagawa nilang corrective works sa loob ng Nagsaag substation at sa Nagsaag Umingan 69k volt line.
-Liezle Basa Iñigo