• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

NAKALMOT!

Balita Online by Balita Online
May 31, 2019
in Basketball
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Toronto Raptors, nakauna sa Warriors sa NBA Finals

TORONTO (AP) – May dating ang Toronto Raptors. At pinatunayan nila ito sa unang sabak sa NBA Finals.

Nagawang maisalba ng Raptors ang ilang ulit na pagtatangka ng Golden State Warriors na maagaw ang momentum tungo sa 118-109 panalo sa Game 1 ng best-of-seven Finals nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Scotiabank Arena.

Kuminang ang opensa ni Pascal Siakam sa natipang playoff career-high 32 puntos mula sa 14- of-17 shooting, walong rebounds, limang assists, dalawang blocks, at isang steal sa 40 minutong paglalaro para pangunahan ang Raptors sa kampanyang makamit ang unang kampeonato — at mahila ang winning streak sa limang laro sa playoff kabilang ang 4-0 pagsibak sa Milwaukee Bucks sa Game 6 sa Eastern Conference finals.

Nag-ambag si Kawhi Leonard ng 23 puntos, walong rebounds, limang assists, at isang steal.

Host muli ang Raptors sa Game Two sa Linggo (Lunes sa Manila).

Nanguna si Steph Curry sa Warriors sa naiskor na 32 puntos – ikapitong sunod na 30 o higit pa sa playoff – limang boards, limang assists, at isang steal, habang naitala ni Draymond Green ang tanging triple-double sa laro — 10 puntos, 10 rebounds, at 10 assists, ngunit may anim na turnovers.

Nagbalik aksiyon si Demarcus Cousins mula sa natamong injury, ngunit hindi nakatulong sa loob ng walong minutong paglalaro.

Taliwas sa nakasanayang opensa, malamya ang dating ng Warriors at sa unang pagkakataon sa era ng Warriors basketball, naghabol sila sa 1-0 sa title series.

Naitala ng Warriors ang mababang 44 porsiyento sa field goal, at nagtamo ng 17 turnover. Mula noong 1975 finals, naipapanalo ng Warriors ang Game 1 ng title series. Huling nabigo ang Golden State sa Game One ay noong 1967.

Walang pang linaw kung makalalaro na si two- t ime reigning NBA Finals MVP Kevin Durant sa Game 2. Ipinahayag ng Warriors management na hindi pa nakakasama si Surant sa scrimmage at magbabalik askiyon siya kung nasa tamang kondisyon na ang katawan at isipan. Host ang Golden States sa Game 3 at 4.

Tags: Eastern ConferenceEastern Conference Finalsgolden state warriorskevin durantnational basketball associationtorontotoronto raptors
Previous Post

Batas para sa mahihirap

Next Post

Heart, tuluy-tuloy na ang shooting ng int’l movie

Next Post
Heart, tuluy-tuloy na ang shooting ng int’l movie

Heart, tuluy-tuloy na ang shooting ng int’l movie

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.