• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Sotto kay Eusebio: Medyo nakakatawa naman

Balita Online by Balita Online
May 20, 2019
in Showbiz atbp.
0
Sotto kay Eusebio: Medyo nakakatawa naman
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kumpiyansa si Pasig City Mayor-elect Vico Sotto na mapapahiya lang si incumbent Pasig City Mayor Bobby Eusebio kapag itinuloy nito ang planong election protest laban sa kanya.

VICO

Ito ang naging reaksiyon ni Sotto sa akusasyon ni Eusebio na minanipula ng kampo ng bagong alkalde ang eleksiyon kaya nanalo ang konsehal, at nagbanta pa na maghahain ng kaso.

Ayon kay Sotto, nakakatawa ang pahayag ni Eusebio, dahil napaka-imposible, aniya, ng sinasabi ng outgoing mayor, lalo na at 27-anyos nang nakapuwesto sa Pasig ang pamilya nito, at ito rin ang may hawak ng mga ballot boxes.

“If it’s true and if he does push through that, medyo nakakatawa naman. Sila ‘yung incumbent, hawak nila ang ballot boxes,” sinabi ni Sotto nang kapanayamin sa telebisyon.

“If he does push through with it, siya naman po ang mapapahiya, hindi naman po kami,” dagdag pa ni Sotto.

Idinagdag pa ni Sotto na karapatan naman ni Eusebio na magreklamo ngunit kung siya, aniya, ang tatanungin ay mas makabubuti na tanggapin na lang nito ang pagkatalo at sama-sama silang mag-move forward na lang.

Tiniyak din ng bagong alkalde na handa siyang makipagtulungan sa mga Eusebio para sa smooth transition ng pamahalaang lungsod.

Sa kabilang dako, siniguro rin ng tinaguriang millennial mayor na hindi niya tatanggalin sa trabaho ang mga empleyado ng city hall na sumama sa protesta laban sa kanya, kahit pa loyal ang mga ito sa mga Eusebio.

Aniya, hindi naman kailangang maging loyal sa kanya ang mga ito upang manatili sa kanilang trabaho, dahil ang kailangan lamang, aniya, ay maging tapat ang mga ito sa serbisyo sa mga Pasigueño.

-Mary Ann Santiago

Tags: Vico Sotto
Previous Post

Scarlett Johansson at Colin Jost, engaged na!

Next Post

Vice, may ganting hanash sa mga pa-‘woke’

Next Post
Vice, may ganting hanash sa mga pa-‘woke’

Vice, may ganting hanash sa mga pa-'woke'

Broom Broom Balita

  • ‘Your Song,’ tumabo na ng 100M streams sa Spotify, ‘greatest hit’ ng Parokya ni Edgar
  • Mariel Padilla, nagbigay-pugay, may wish para kay Pangulong Duterte
  • Operasyon ng Pasig River Ferry Service, limitado muna sa Hunyo 30
  • DOH: Daily average number ng bagong COVID-19 cases, tumaas ng 53%
  • Manay Lolit, nalungkot para sa dalawang chikiting nina Aljur at Kylie; aktor, magkaka-baby na rin kay AJ?
‘Your Song,’ tumabo na ng 100M streams sa Spotify, ‘greatest hit’ ng Parokya ni Edgar

‘Your Song,’ tumabo na ng 100M streams sa Spotify, ‘greatest hit’ ng Parokya ni Edgar

June 27, 2022
Mariel Padilla, nagbigay-pugay, may wish para kay Pangulong Duterte

Mariel Padilla, nagbigay-pugay, may wish para kay Pangulong Duterte

June 27, 2022
Free rides sa Pasig River Ferry Service, muling inialok ng MMDA

Operasyon ng Pasig River Ferry Service, limitado muna sa Hunyo 30

June 27, 2022
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

DOH: Daily average number ng bagong COVID-19 cases, tumaas ng 53%

June 27, 2022
Manay Lolit, nalungkot para sa dalawang chikiting nina Aljur at Kylie; aktor, magkaka-baby na rin kay AJ?

Manay Lolit, nalungkot para sa dalawang chikiting nina Aljur at Kylie; aktor, magkaka-baby na rin kay AJ?

June 27, 2022
₱62M tanim na marijuana, sinunog sa Kalinga

₱62M tanim na marijuana, sinunog sa Kalinga

June 27, 2022
Mayor Isko, nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall

Mayor Isko, nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall

June 27, 2022
MMDA, masusing minomonitor ang sitwasyon ng trapiko sa pagsasara ng Timog Flyover

MMDA, masusing minomonitor ang sitwasyon ng trapiko sa pagsasara ng Timog Flyover

June 27, 2022
Vice Ganda, pinag-shopping ang anak ni Ethel Booba; ‘sky is the limit’ ang peg

Vice Ganda, pinag-shopping ang anak ni Ethel Booba; ‘sky is the limit’ ang peg

June 27, 2022
2 ‘miyembro’ ng akyat-bahay gang, timbog; mahigit ₱108K na pera, nabawi

2 ‘miyembro’ ng akyat-bahay gang, timbog; mahigit ₱108K na pera, nabawi

June 27, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.