• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Sandy, na-miss mag-drama

Balita Online by Balita Online
May 20, 2019
in Showbiz atbp.
0
Sandy, na-miss mag-drama
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MATAGAL-TAGAL na rin ang balitang lilipat na sa GMA Network si Sandy Andolong, na wala namang problema dahil wala naman siyang ginagawang project sa ABS-CBN.

Sandy

Nang makausap namin si Sandy, sinabi niyang may bago siyang teleserye na gagawin sa GMA, at gaganap daw siyang nanay ni Sanya Lopez. Sabi namin, bagay silang mag-nanay ni Sanya dahil magkahawig sila, at pareho silang mahuhusay na drama actress.

Wala naman palang problema kung lumipat man si Sandy sa GMA.

“Last year pa, October 2018, wala na ako sa sitcom na Home, Sweetie Home, hindi na ako nagte-taping sa kanila,” sabi ni Sandy. “Pero nang i-offer sa akin itong Dahil sa Pag-ibig, nagpaalam naman ako nang maayos sa kanila, nagpasalamat ako dahil five years din ako sa kanila.

“Pero na-miss ko na rin ang drama, ang huli kong ginawa sa GMA ay Anna Karenina in 2013 kaya nang dumating ang offer nila, tinanggap ko agad.

“Nice feeling that I am back dahil mas marami naman akong nagawa sa kanilang teleserye.”

M a s a y a s i Sandy na kasama niya sa Dahil Sa Pag-ibig ang isa pang mahusay na actress na si Tetchie Agbayani.

“Ako ang nanay ni Sanya, si Tetchie naman ang nanay ni Benjamin Alves, at madalas kaming hindi magkasundo sa eksena, kaya may mga fight scenes din kaming dalawa.

“Marami na kaming nai-tape na ganoong eksena, bago namin gawin, nag-uusap muna kami ni Tetchie, kung ano ang gagawin namin, we do it, pagkatapos ng eksena at narinig namin ni Tetchie ang ‘cut’ yakapan na kami.”

May possibility rin na magkasama sila ng asawang si Christopher de Leon sa GMA, pero no problem iyon dahil noong nasa ABS-CBN siya, twice rin silang nagkasama sa project.

“Kaya lang this time, hindi puwede, dahil mayroon ding ginagawang bagong teleserye si Boyet sa ABS-CBN. Pero katatapos din lang niyang mag-guest dito sa GMA, sa TODA One I Love.

“Iyon lang ang maganda sa amin, mga freelancers kami kaya no problem kung tumanggap man kami ng offers sa both network. At doon, thankful kami.”

This Monday, May 20, ang world premiere ng Dahil Sa Pag-ibig sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Bihag.

-NORA V. CALDERON

Tags: christopher de leonsandy andolong
Previous Post

Pinoy fighters, luhaan sa Thailand at Belfast

Next Post

Pananaw ng mga kabataan sa mga wika ng Pilipinas

Next Post

Pananaw ng mga kabataan sa mga wika ng Pilipinas

Broom Broom Balita

  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
  • Kapuso audience, bitin sa 20-minutong trending show ni Boy Abunda, hirit ang dagdag airtime
  • Kilalang fast food resto, naglabas ng pahayag kaugnay ng binatikos na ad
  • Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak
  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.