MAY pagkakataon na ang mga mag-aaral sa grade 7 hanggang grade 11 sa mga pampubliko at pribadong paaralan na ipakita at ibigay ang kanilang pananaw hinggil sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsusulat.
Ito ay sa paglulunsad ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ng kauna-unahang Gawad Jacinto sa Sanaysay essay-writing contest, ayon sa pagbabahagi ni KWF senior language researcher Roy Rene Cagalingan.
“Their essay-entries must tackle why our native languages are important and what knowledge can be gained from them,” ani Cagalingan.
Mahalaga, aniyang malaman ang pananaw ng mga kabataan upang higit pang mapaigting ang pagsusulong at pagpepreserba ng mga wika ng Pilipinas.
Nakatakda naman makapag-uwi ng P20,000 (unang karangalan), P15,000 (ikalawang karangalan) at P10,000 (ikatlong karangalan).
Kinakailangang nakasulat sa sanaysay sa ilalahok sa Gawad Jacinto sa Sanaysay ay nakasulat sa Flipino, hindi pa nalilimbag, orihinal at hindi salin.
Kinakailangang sumusunod ang mga ipapasang lahok sa “Ortograpiyang Pambansa” at “Manwal sa Masinop na Pagsulat” ng KWF.
Maaaring umabot ng hanggang 1,000 salita ang sanaysay, typed o printed na hindi hihigit sa apat na pahina na may tig-isang margin.
Kinakailangan din na naka-double-spaced at gumagamit ng 12 Arial font ang ipapasang pape.
“We’re already accepting entries for the contest,” ani Cagalingan, kasabay ng paalala na hanggang Hunyo 28, alas-5 ng hapon lamang maaaring magpasa ng lahok.
Maaari rin aniyang kontakin ang KWF para sa iba pang mga katanungan.
Ipinangalan kay Emilio Jacinto ang paligsahan, isang bayani na nagbuwis ng buhay sa edad na 23 ngunit iniwan ang kanyang panulat at pagmamahal sa bansa.
Ang pagdaraos ng Gawad Jacinto sa Sanaysay essay-writing contest ay bahagi ng pagdiriwang ng bansa ng Buwan ng Wika tuwing Agosto.
PNA