• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Jerome at Jane, umaming nagmuntikan

Balita Online by Balita Online
May 20, 2019
in Showbiz atbp.
0
Enzo na ang tawag kay Jerome Ponce
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MASASABING isa si Jerome Ponce sa mga paborito ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde, dahil nakailang pelikula na sa Regal Entertainment ang aktor, kaya naman sobra ang pasasalamat niya sa mag-inang producers.

Nakaapat na pelikula na si Jerome sa Regal, kabilang ang Haunted Mansion at Walwal, habang ang Finding You ay ipalalabas na sa Mayo 29. Ang isa pa, ang Ang Henerasyong Sumuko sa Love, ay wala pang playdate.

“I really want to thank Regal kasi ang gaganda ng roles na ibinibigay nila sa akin,” sabi ni Jerome sa mediacon ng Finding You kamakailan.

Sa panulat at direksiyon ni Easy Ferrer, si Jerome ang bida sa pelikula at mayroon siyang hyperthymesia, o iyong natatandaan ang lahat ng nangyari sa buhay niya simula nang magka-isip.

“Two years ago I started writing about it re someone with multiple heartbreaks actually cannot move on from whatever happened to him,” sambit ni Direk Easy.

“It means naaalala niya ang every single moment na nangyari sa buhay niya, pati specific dates and time. This is the opposite of amnesia, kung saan nakakalimutan naman ng isang tao lahat ng nangyari sa nakaraan niya.

“Some people think blessing ‘yung pagkakaroon ng good memory, but for Nel (karakter ni Jerome), it’s actually a curse, kasi he came from a series of failed relationships and he cannot forget the painful experiences he went through in each of them, kaya hindi siya maka-move on.”

Tatlo ang nakarelasyon ni Nel (Jerome) na hindi niya nalilimutan, sina Barbie Imperial, Kate Alejandrino, at Claire Ruiz.

Patuloy na hinahanap ni Nel ang tamang babae para sa kanya, na hindi niya napapansin ay baka ang best friend na pala niyang si Kit (Jane Oneiza) ang para sa kanya.

“Magkababata kami rito ni Jane. We know each other from childhood kasi neighbours kami. Kaya lang, nag-migrate ‘yung family niya sa States, so nagkahiwalay kami. Ngayon, babalik na siya, kaya lang, she’s scheduled to be married na to some other guy. With her help, I will uncover some vague memories that cause an obscure pain in my life.

“We’ve first worked together in the afternoon soap, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita four years ago and we have managed to maintain our friendship since then. Assistant director din namin doon si Direk Easy Ferrer, kaya bale reunion namin ito.

“Napakagaling na artista ni Jane at masarap kaya katrabaho kaya lagi kaming masaya sa set. Very easy to work with din si Direk Easy na millennial na millennial ang dating, pati treatment sa pelikula,” sabi ni Jerome.

Inamin naman ni Jane na nagkaroon sila ng special relationship ni Jerome pero less than lovers.

“Parang hindi nag-bloom, parang puwede na makarating naman sa ganu’n, kasi nag-uusap naman kami, may potential pero hindi umabot doon,” pagbubunyag ni Jane.

As of now ay hindi pa nahahanap ni Jane ang tamang pag-ibig para sa kanya, at gayundin si Barbie, pero si Jerome, nahanap na raw niya ang kanyang “The One”.

“Yes, I’ve found the one na po. She’s not from showbiz and more than two years na kami,” ani Jerome.

-Reggee Bonoan

Tags: Jane OneizaJerome Ponce
Previous Post

Mula Singapore hanggang Russia, Pinoy singers represent!

Next Post

Nick Vera Perez, tuluy-tuloy sa pag-discover ng talents

Next Post
Nick Vera Perez, tuluy-tuloy sa pag-discover ng talents

Nick Vera Perez, tuluy-tuloy sa pag-discover ng talents

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.