TULAD ng iba, nakatikim din ng tagumpay at kabiguan ang ilang sports personalities sa nakalipas na mid-term election.
Mistulang ‘Messiah’ sa San Juan si dating La Salle star player Francis Zamora nang gapiin sa pagka-Mayor ng San Juan si Janella Ejercito Estrada – anak ng dating Senador Jinggoy at apo ni dating pangulo Erap Estrada.
Sa botong 35,060 laban sa 24,813 ng karibal, tinuldukan ni Zamora ang 49 taong pamamayagpag ng Estrada sa lungsod.
Nakalulungkot mang isipin, natapos na din ang paghahari ni Erap sa Manila nang gapiin siya ng dating actor at vice mayor Isko Moreno.
Sa kaganapan, tila nawala na ang mahika ni Erap sa masa, dahil sa kasalukuyang bilangan para sa Senador, nasa labas ng Magic 12 ang mga anak na sina JV at Jinggoy Estrada.
Nahalak namang Mayor ng bayan ng Bulakan si dating PBA MVP at Jose Rizal University coach Vergel Meneses laban sa kaanak na si Piccolo Meneses.
Nakuha naman ni dating Gintong Alay chief Michael Marcos Keon ang Mayoralty seat sa Laoag City, habang nanalo bilang Mayor ng Narvacan, Ilocos Sur si Shooting Association president Chavit Singson.
Wala namang nakalaban sa pagka-Mayor sina Southeast Asian Games gold medalist for fencing Richard Gomez (Ormoc, Leyte) at player/agent Matthew Manotoc, anak ni dating PBA coach at golf champion Tommy, bilang Ilocos Norte Governor.
Nanatili namang Congressman sa ika-limang Distrito ng Manila si datjng boxinc chief at Philippine Olympic Committee (POC) chairman Manny Lopez kontra kay Atong Asilo.
Kabilang din sa mga nakakuha ng puwesto sa City Councils sina 1992 PBA MVP Ato Agustin (San Fernando, Pampanga), SWU coach Yayoy Alcoseba at dating PBA players Dondon Hontiveros (Cebu City, second district), Yoyong Martirez (Pasig, second district), Paul Artadi (San Juan, first district), Jam Alfad (Jolo, Sulu), Adamson coach Franz Pumaren (Quezon City, third district), Soaring Falcons deputy Jack Santiago (Navotas first district), MPBL coach Elvis Tolentino (Marikina, second district), ex-Coca-Cola coach Binky Favis (Paranaque, second district), Perpetual Altas winger GJ Ylagan (Gumaca, Quezon), racer Tyson Sy (Valenzuela, second district), at UAAP executive director Rebo Saguisag (Makati, first district).
Tuloy din sa Kongreso sina GlobalPort owner Mikee Romero at Eric Pineda matapos makalusot ang 1Pacman party-list, habang liyamado si Buboy Fernandez, sa vice mayoralty race sa kanyang bayan sa Polangui, Albay.
Hindi naman pinalad si Asian taekwondo gold medalist at dating MASCO Chief Ali Atienza sa pagka-Congressman sa unang distrito ng Manila nang matalo kay Crystal Bagatsing.
Na-olats din si Gilas Pilipinas head coach at NLEX bench tactician Yeng Guiao kay Rep. Jon Lazatin sa unang distrito ng Pampanga, gayundin si taekwondo chief Monsour del Rosario sa pagka-Bise Alkalde sa Makati City at dating Ginebra player Peter Aguilar, tatay ni Japeth sa pagka-Bise Mayor sa bayan ng Sasmuan, Pampanga
-Edwin Rollon