• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Pambabasted ni Sharon kay Jinggoy, ibinuking ni Mayor Sara

Balita Online by Balita Online
May 7, 2019
in Showbiz atbp.
0
Pambabasted ni Sharon kay Jinggoy, ibinuking ni Mayor Sara
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NAPAGKATUWAAN ni Davao City Mayor Sara Duterte si Sen. Jinggoy Estrada at ibinisto sa harap ng madlang people ang ginawang pambabasted daw ni Sharon Cuneta sa dating senador.

Jinggoy

Sa campaign caravan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa San Andres Sports Complex sa Maynila kamakailan, hindi nagpaawat ang presidential daughter sa pagkukuwento sa naging panliligaw noon ni Jinggoy sa idolo ng alkalde na si Sharon.

“Alam n’yo po ang idol ko na artista ay si Sharon Cuneta. Kahit araw-araw kami magpa-picture, gagawin ko ‘yan, hindi ako magsasawa,” pagbabahagi ni Mayor Sara.

Nang nalaman ito ni Jinggoy ay tumabi ito sa alkalde, at nagkuwento sa nakaraan nila ng Megastar.

“Idol mo pala si Sharon Cuneta. Pareho tayo, alam mo bang gustung-gusto ko rin ‘yan si Sharon Cuneta. Niligawan ko ‘yan,” kuwento ni Mayor Sara sa istorya sa kanya ni Jinggoy.

Usisa ng Mayora: “So, anong nangyari sa love life n’yo, Sen?”

“Hay naku, paano ka ba naman lalaban kay Gabby Concepcion?”

“Binasted siya ni Sharon Cuneta!” pambubuking ni Mayor Sara kay Jinggoy sa harap ng libu-libong dumalo sa campaign rally sa kapitolyo ng lungsod.

Hindi naman napigilan ng mayor na matawa sa kanyang panunukso sa dating senador, lalo na at isa sa mga nakikinig ang butihing maybahay ni Jinggoy na si Precy Vitug Ejercito.

Wala namang nagawa si Jinggoy at napangiti na lang sa rebelasyon ng Mayor Sara.

Sa huli ay inilahad ni Mayor Sara na matagal nang kaibigan ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte si Jinggoy at ang pamilya Estrada.

“Siya po ay matagal nang kaibigan ni President Duterte. Early 2000s, 1990s, magkakilala at magkaibigan na sila. Pareho silang naging mayor, pareho silang ‘Anak ng Masa’,” bumawing sabi ni Mayor Sara.

-MERCY LEJARDE

Tags: jinggoy estradaSara Dutertesharon cuneta
Previous Post

Angelica, ayaw nang umuwi sa ‘Pinas?

Next Post

TV host-actress, nilayasan ang walang silbing manager

Next Post
Banong aktor, nagkaka-project dahil  malakas sa management ang manager

TV host-actress, nilayasan ang walang silbing manager

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.