• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Jodi, ‘di kumportable sa kissing scenes?

Balita Online by Balita Online
April 28, 2019
in Showbiz atbp.
0
Jolo, naka-move on na kay Jodi?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

SA nakaraang mediacon ng Man and Wife nina Gabby Concepcion at Jodi Sta. Maria na idinirek ni Laurice Guillen produced ng Cineko Productions at release ng Cinescreen, ay inamin ng direktora cum aktres na unang beses niyang maka-trabaho ang Kapamilya star at napabilib siya dahil napaka-propesyonal nito.

Kaya natanong muli si Direk Laurice kung sino pa sa mga Kapamilya artist ang gusto niyang idirek at binanggit niya si Piolo Pascual.

“First time kong makatrabaho si Piolo as an actor dito sa ‘Lupang Hinirang’. Isa siya sa mga anak ko,” saad ng nito.

Siyempre ang kasunod na tanong ay kung kumusta si Piolo bilang aktor.

“Very serious siya. Magaling siya. Very ano siya, magaling siya,” sabi ni Direk Laurice.

Dagdag pa, “Ang galing niya! Kasi, ang salita namin, Maginadanaoan. You know, he’s not just a pretty face!

Pangarap din ni Direk Laurice na maidirek si John Lloyd Cruz.

At kung may aktor, dapat may aktres din pero ang natawang sabi ni Direk Laurice, “Sa aktres, tinanong na rin sa akin ‘yan, parang hindi ko masagot.”

Hmm, wala bang pumasa kay Direk Laurice sa mga aktres ng Dos maliban kay Jodi?

At dahil taga-GMA ang direktora ay nabanggit niyang gustung-gusto niyang idirek si Gabby.

“Well, favorite in the sense na ang sarap katrabaho. At saka, of course, you know, kung titingnan mo as an ideal actor, may mga limitations.

“Because siyempre, nasa instrumento niya ‘yan, e. Pero as a person to work with, as a colleague, and as an actor, you know. Ang maganda kasi, he can portray ‘yung lalaking makikilala ng audience. ‘Di ba?”paliwanag nito.

At ang paglalarawan naman ng direktora kay Jodi, “Si Jodi, ‘yun na nga, lady saka ‘yun bang siyempre, siyempre ‘pag gumawa ako ng pelikula, hinahanap ko rin ang sarili ko doon sa pelikula.

“So, parang ‘yung mga eksena ng mag-asawa, kasi may anak na sila, so ‘pag wala na ang anak, iyan na ang chance nila na mag-make love, ‘di ba?

“So, iyong mga ganu’n. Na hindi naman ‘yung…Walang hubaran! Kasi, family picture.

Pero ‘yung aspect na ‘yon, from the conflict-conflicts nilang ganyan from the drama, tapos ‘yung punta doon sa playfulness and that sort of thing. Iyon ang kailangan kong parang, kumbaga, pukpukin sa kanya.”

Inamin din namang sinubukan ni Jodi na umiwas na magkaroon ng kissing scenes, pero hindi naman daw pupuwedeng wala kasi mag-asawa ang role nila ni Gabby.

Kuwento pa ng premyadong direktor, “Siyempre, ako naman, hindi ko itinatanong ‘yung kontrata. Ang pagkaano ko, kung ano ‘yung role. At the same time, hindi ko naman ini-expect sa kanya.

“Kinausap ko siya. The first time, talagang ano. ‘O, ganito, ganyan ang mangyayari, OK. It starts as playfulness, tapos magiging ano kayo. May passion na.”

“Aba! Nagtago sa ilalim ng kumot! Tapos, doon sa ilalim ng kumot siya naggaganu’n.

“Hinayaan ko. Cut. Alisin ang kumot. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Kaya pala nahiya at humina ang boses ng aktres nang tanungin siya kung may kissing scenes sila ni Gabby.

Anyway, sa May 8 na mapapanood ang Man and Wife mula sa Cineko Productions at Cinescreen.

-Reggee Bonoan

Tags: jodi sta maria
Previous Post

Taas-presyo sa LPG, petrolyo next week

Next Post

Baron Geisler, ipinagdasal na mapasama sa ‘Ang Probinsyano’

Next Post
Baron Geisler, ipinagdasal na mapasama sa ‘Ang Probinsyano’

Baron Geisler, ipinagdasal na mapasama sa 'Ang Probinsyano'

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.