• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

DO-OR-DIE

Balita Online by Balita Online
April 26, 2019
in Basketball
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Game 7 sa WC playoff, naipuwersa ng San Antonio Spurs

SAN ANTONIO (AP) — Tangan ang malawak na karanasan sa krusyal na sandali at sistema ng playoff series, nagawang maipuwersa ng San Antonio Spurts ang playoff match kontra Denver Nuggets sa ‘sudden death’ Game 7.

Hataw si LaMarcus Aldridge sa naiskor na 26 puntos, habang kumana si DeMar DeRozan ng 25 puntos para ibasura ang matikas na 43 puntos ni Nikola Jokic tungo sa 120-103 panalo sa Game 6 ng kanilang best-of-seven playoff nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Naitala ni Jokic ang 27 puntos sa second half para sa ikatlong pinakamataas na puntos na nagawa sa isang period sa postseason sa likod nina Portland’s Damian Lillard (50) at Golden State’s Kevin Durant (45). Kumabig din si Jokic ng 12 rebounds at siyam na assists.

Gaganapin ang Game 7 sa Sabado (Linggo sa Manila) sa Denver, kung saan tangan ng Nuggets ang league’s best home record sa regular season. Ang magwawagi ay uusad sa second round laban sa Portland.

Nag-ambag si Jamal Murray ng 16 puntos at kumana si Gary Harris ng 14 puntos sa Nuggets.

Nalagay sa alanganin ang San Antonio nang gapiin ng Denver, 108-90, nitong Martes sa Game 5 kung saan umabot sa 30 puntos ang abante ng Nuggets.

Nagtulong sina DeRozan at Aldridge para maitarak ang 34-24 bentahe sa first quarter.

Nag-ambag si Rudy Gay ng 19 puntos at umiskor si Marco Belinelli ng siyam.

Tags: denver nuggetssan antonio spurs
Previous Post

Prov’l bus ban, ibasura

Next Post

Let’s all focus on healing, forgiving each other—Regine

Next Post
Let’s all focus on healing, forgiving each other—Regine

Let’s all focus on healing, forgiving each other—Regine

Broom Broom Balita

  • ‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens
  • Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP
  • Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1
  • Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos
  • Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’
‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

October 4, 2023
Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

October 4, 2023
Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

October 4, 2023
Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

October 4, 2023
Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

October 4, 2023
Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

October 4, 2023
Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: ‘Ang epal mo’

Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: ‘Ang epal mo’

October 4, 2023
Paul Salas, hindi bet ni Mikoy Morales para kay Mikee Quintos

Paul Salas, hindi bet ni Mikoy Morales para kay Mikee Quintos

October 4, 2023
Luis, nakipagbardahan kay Alex: ‘Halatang nangongopya lang sa katabi’

Luis, nakipagbardahan kay Alex: ‘Halatang nangongopya lang sa katabi’

October 4, 2023
DepEd, aminadong kulang sa guidance counselors sa mga paaralan; problema agad daw sosolusyunan

Gurong sangkot umano sa namatay na estudyante, pinag-leave of absence muna ng DepEd

October 4, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.