Si Ramon “The Bicolano” Gonzales ay naaabot na ang mga bituin sa patuloy na pag-angat niya sa ONE Championship.
Hindi man lang pinagpawisan si Gonzales sa pagtalo kay Akihiro “Superjap” Fujisawa nang mapasuko niya agad ito sa kickoff bout ng ONE: ROOTS OF HONOR, na may live broadcast sa Mall of Asia Arena noong Biyernes, Abril 12.
Bumilib siya sa una niyang promotional appearance dito sa bansa kaya naman ngayon ay naghahanap na siya ng panibagong laban.
“I’m very excited for my next fight,” pahayag niya.
“I hope that ONE Championship is noticing me and my team, and they see that I’m capable of giving excellent fights and I’m ready to take on high-level opponents.
“I’ll work even harder. Expect better performances in my next fights.”
Habang ang simula niya sa The Home Of Martial Arts ay hindi ganoon kaganda ay siniguro niyang hindi magmadali na maging isang magaling na martial artist sa paglipas ng panahon.
Matapos ang 1-2 na simula, mayroon ng tatlong sunod sunod na panalo si Gonzales sa pamamagitan ng pagsuko sa kalaban na nagpatunay na higit pa siya sa isang Kyokushin Karate practitioner.
Ngayon ay tungkol na sa pagsabak sa susunod na laban at marahil isa sa pinakmahirap lalo na’t tinitingnan niya ang World Title picture.
“I’ve always dreamt of becoming a World Champion,” pag-amin ni Gonzales.
“For that to happen, I have to believe in myself and my team, get all the support from all my loved ones, and mostly, be determined to succeed.
“I’ll work on all of the aspects of my game to get there. I’ll be training every day until my next fight.”
Ang 31 anyos ay handa nang makalaban ang kahit sino lalo kung magkakaroon siya ng pagkakataon na mas umangat pa.
May pagdadalawang isip naman si Gonzales na kumalaban ng kapwa Pilipino dahil hindi niya gusto ang ideyang ito.
“I’m willing to fight anyone,” sabi niya. “We trust ONE Championship and sir Matt Hume (Senior Vice President of Operations and Competition) to decide on that, but I hope it does not come against a fellow Filipino.”