ILALARGA ng Olongapo City ang Invitational FIDE Age Group Standard Chess Tournament sa May 10-12 sa Gordon College of East Tapinac Oval Sports Complex.
Bukas para sa lahat, target ng programa na matulungan ang mga atleta na makasikwat ng karampatang tsansa na makasikwat ng GIGR at makakuha ng kinakailangang ranking points.
Ang torneo ay para sa 20-anyos at pababa at may kabuuang P35,000 cash prizes. Gagamitin sa tatlong araw na torneo ang nine-round Swiss System format at may nakalaang FIDE rating points.
May tatlong kategorya na lalahgukan – ang 12-and-under (2007 cutoff year), 16-and-under (2003) at premier 20-and-under (1999).
Para sa karagdagang detalye, nakipag-ugnayan kay Joel Villanueva ng City Sports and Youth Development Office sat el. blg. (0950-9060341) magpadala ng mensahe sa facebook at l account [email protected]