• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Doble-plaka, ayaw ni Digong

Balita Online by Balita Online
April 7, 2019
in Balita
0
Doble-plaka, ayaw ni Digong

Pangulong Rodrigo Duterte sa National Federation of the Motorcycle Clubs of the Philippines (NFMCP) Annual Convention sa Iloilo City nitong Sabado ng gabi.

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hinga-hinga na, mga motorcycle riders!

Pangulong Rodrigo Duterte sa National Federation of the Motorcycle Clubs of the Philippines (NFMCP) Annual Convention sa Iloilo City nitong Sabado ng gabi.
Pangulong Rodrigo Duterte sa National Federation of the Motorcycle Clubs of the Philippines (NFMCP) Annual Convention sa Iloilo City nitong Sabado ng gabi.

Ipasususpinde ni Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng Motorcycle Crime Prevention Act, dahil may mga probisyon itong hindi papabor sa mga motorcycle riders, at hindi rin naman makatutulong sa pagsugpo sa krimen.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa National Federation of the Motorcycle Clubs of the Philippines (NFMCP) Annual Convention sa Iloilo City nitong Sabado ng gabi.
Sa kanyang speech, sinabi ni Duterte na kakausapin niya si Senator Richard Gordon at ang Land Transportation Office (LTO) upang huwag munang ipatupad ang nasabing batas. Si Gordon ang may akda ng Motorcycle Crime Prevention Act.
“I will talk to just one—Senator Gordon. Sabihin ko sa kanya na, ‘Alam mo ibang countries, as a matter of fact all countries, walang plate number—all motor vehicles, walang plate number sa harap. Diyan lang ‘yan sa likod.
“So I will try to convince the LTO to maybe hang onto it. I-suspend ko lang muna kasi it is not good,” ani Duterte.
“Palagay ko (I think) it would really not make a difference. The criminals of the Philippines have perfected the art of falsifying, fabrication,” dagdag niya.
Ipinaliwanag ng Presidente, isa ring motorcycle enthusiast, kung bakit niya pinirmahan ang nasabing batas, na iprinotesta ng libu-libong riders sa National Unity Ride kamakailan.
“Alam mo kasi kung bakit pinirmahan ko? Ang pulis tao ko, ang military tao ko. Ano ang irekomenda nila I will adopt it basta maglagay lang ng rationale,” aniya.
Binigyang-diin din niya na delikado sa kaligtasan ng mga riders, at maging ng mga pedestrian, ang malaking plaka sa harap ng motorsiklo.
“It is dangerous to place another gadget, lalo na may kanto. May kanto ‘yang plate number, eh. It could be a plastic or it could be an aluminum. But still with an impact na ganoon, tutusok ‘yan sa helmet mo. Delikado, eh,” aniya.
Binanggit din ni Duterte ang aniya’y napakalaking halaga ng multa sa mga lalabag sa nasabing batas, at sinabing kukumbinsihin niya si Gordon na babaan ito.
“Mahal masyado, Sir, yung fine. P50,000. Masyadong mataas. P50,000 is mas mahal pa sa motor ang yawa,” ani Duterte.
“I’m willing P10- to P15,000. Pero kung maaari, I go to the barest minimum, it should not go lower than—eh kasi sa enforcement siyempre may bayad—mga P10,000. Kung ayaw nila then P15 [thousand]. Mag-haggle na lang ako.
“Lakihan na lang ninyo ang plate number sa likod by one-fourth. Para makita talaga ‘yung number. Just to remove the objection diyan.
“Tutal ang importante talaga yung sa likod. Yung sa harap medyo… kung may barilan diyan hindi mo naman tignan ‘yan. Pero kung paalis na… That’s the reason why it’s only placed at the back,” paliwanag pa ng Pangulo.

Argyll Cyrus B. Geducos

Tags: land transportation officeMotorcycle Crime Prevention ActNational Federation of the Motorcycle Clubs of the Philippines Annual Conventionrichard gordonrodrigo duterte
Previous Post

Underwater opera, itatanghal sa US

Next Post

Banggaan: 6 nag-outing patay, 14 sugatan

Next Post
Lambanog, positibo sa methanol

Banggaan: 6 nag-outing patay, 14 sugatan

Broom Broom Balita

  • Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29
  • 2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA
  • ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz
  • Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda
  • Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

May 30, 2023
Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

May 30, 2023
Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

May 30, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano

May 30, 2023
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City

May 30, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.