• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon SENTIDO KOMUN

Parang sugat na ayaw maghilom

Balita Online by Balita Online
April 3, 2019
in SENTIDO KOMUN
0
Parang sugat na ayaw maghilom
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MAAARING nagkataon lamang, tulad ng laging idinadahilan ng mismong namamahala ng trapiko at ng ilang motorista, subalit hindi nagbabago ang aking obserbasyon: Kalbaryo at usad-pagong pa rin ang daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila, lalo na sa EDSA. Maging sa tinaguriang Mabuhay Lanes, talamak pa rin ang illegal parking sa kabila ng walang puknat na paghatak ng mga sasakyang naghambalang sa mga kalye.

Halos lahat ng estratehiya sa paglutas ng nakapanggagalaiting problema sa trapiko ay naipatupad na; nakapanlulumong mabatid na hanggang ngayon ay hindi pa tayo nakadadama ng tunay na kaginhawahan at kaluwagan sa pagmamaneho sa pangunahing mga lansangan.

Natatandaan ko na mismong si Pangulong Duterte ay mistulang sumuko sa paglutas ng matinding trapiko sa Edsa; hindi naitago ang kanyang kabiguan sa paglutas ng naturang problema. Naniniwala ako na ito ang dahilan kung bakit nais niyang magkaroon ng emergency power para sa paglutas ng nasabing problema. Subalit ito ay mahigpit na tinutulan ng Kongreso. ‘Tila nagkaroon ng agam-agam ang mga mambabatas na ang gayong kapangyarihan ay isang hudyat sa deklarasyon ng martial law.

Ngayon, isa na namang maigting na plano ang binuo ng mga awtoridad para sa epektibong solusyon sa trapiko. Sa pahayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP), isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan ng anim na ahensiya hinggil sa paglikha ng Inter-Agency Counsel for Traffic o I – ACT. Binubuo ito ng PNP, Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Metro Manila Council, Land Transportaion Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine Coast Guard (PCG). Sa implementasyon ng MOA, magiging katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sana, magkaroon ng tunay at maigting na solusyon ang problema sa trapiko; na mapagsama-sama ang maayos na pamamahala sa daloy ng mga sasakyan. Kabilang na rito ang paglipol ng mga colorum transport, illegal parking at iba pa.

Sana, higpitan na rin ang pagbabawal sa mga car accessories na tulad ng sirena, pito at iba pang gadgets na lumilikha ng malakas na tunog. Mahalaga sa tagumpay ng naturang mga solusyon ang pakikiisa ng sambayanan at disiplina ng mga motorista. Kung hindi ito mangyayari, mananatili ang aking obserbasyon na ang problema sa trapiko ay tulad ng sugat na ayaw maghilom.

-Celo Lagmay

Tags: department of transportationLand Transportaion Officeland transportation franchising and regulatory boardMetro Manila Councilmetropolitan manila development authorityphilippine national police
Previous Post

Mag-ingat sa mga online scammer!

Next Post

#MagingMagiting

Next Post
#MagingMagiting

#MagingMagiting

Broom Broom Balita

  • ‘Starlet’ ng GMA nagkuwento tungkol sa karanasan bilang artista
  • ‘Jenny’ lumakas pa, patuloy na kumikilos pa-northwest sa PH Sea
  • Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games
  • Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC
  • ‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea
‘Starlet’ ng GMA nagkuwento tungkol sa karanasan bilang artista

‘Starlet’ ng GMA nagkuwento tungkol sa karanasan bilang artista

October 1, 2023
‘Jenny’ lumakas pa, patuloy na kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ lumakas pa, patuloy na kumikilos pa-northwest sa PH Sea

October 1, 2023
Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

October 1, 2023
₱40M ‘smuggled’ na bigas nadiskubre sa Las Piñas, Cavite

Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC

September 30, 2023
‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

September 30, 2023
Pulisya, pinaghahanap ang 16-anyos na lalaki na sumaksak sa 2 menor de edad sa Tondo

Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon

September 30, 2023
Lolit puring-puri si Jillian Ward

Lolit puring-puri si Jillian Ward

September 30, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong master plumbers, kasado na

September 30, 2023
Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

September 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.