• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Duterte sa botante: Pera ng pulitiko galing sa inyo

Balita Online by Balita Online
April 3, 2019
in Balita
0
Duterte sa botante: Pera ng pulitiko galing sa inyo

(RENE LUMAWAG/PRESIDENTIAL PHOTO)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na huwag magpaloko sa mga pulitiko o kandidato na  ipinagmamalaki ang kanilang infrastructures projects para makakuha ng mga boto dahil hindi naman nanggaling ang mga ito sa kanilang sariling mga bulsa.

(RENE LUMAWAG/PRESIDENTIAL PHOTO)
(RENE LUMAWAG/PRESIDENTIAL PHOTO)

Ito ang idiniin ni Duterte kasabay ng panliligaw ng mga lokal na kandidato sa mga botante para sila ay iboto sa halalan sa Mayo.

Sa proclamation rally ng PDP-Laban sa Malabon City, ipinaliwanag ni Duterte na walang anumang utang ang publiko sa mga pulitiko dahil ang kanilang mga suweldo ay nagmula sa pera ng taxpayers.

“Remember, they do not function na gastos nila. Wala akong nakita na pulitiko na gumastos ng sariling pera para ibigay sa tao. Inyo ‘yan. Galing sa bulsa ninyo ‘yan,” aniya nitong Martes ng gabi.

“Wala kayong utang na loob sa mga politiko. Lahat ‘yan pati suweldo nila, pera ninyo. Kaya huwag kayong magsabi na ito si mayor ano, mag — galante,” dagdag niya.

Sinabi ni Duterte na kahit ang informal settlers o ang mga walang trabaho ay nagbabayad ng buwis sa tuwing sila ay mayroong binibili.

“‘Pag ika’y namili ng pagkain sa palengke at ikaw ‘yung magbili ng mga school supplies, ‘yang pera na ‘yan po may buwis ‘yan at ‘yan ay pupunta sa gobyerno,” aniya.

“Maski na sabihin mo hindi kami nagbabayad ng buwis kasi informal settlers lang kami, squatter, wala kaming ibinabayad. Well, ‘yan ang akala mo. Pero ‘pag sumakay ka, ang gasolina may patong na buwis ‘yan,” dugtong niya.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Tags: malabon cityrodrigo duterte
Previous Post

2 sundalo, sugatan sa NPA encounter

Next Post

‘Oplan Biyaheng Ayos’, ikakasa na

Next Post
‘Oplan Biyaheng Ayos’, ikakasa na

'Oplan Biyaheng Ayos', ikakasa na

Broom Broom Balita

  • QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC
  • PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela
  • 3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon
  • Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals
  • EJ Obiena, balik na sa sa PH team
QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

August 18, 2022
PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

August 18, 2022
3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

August 17, 2022
Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

August 17, 2022
₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega

EJ Obiena, balik na sa sa PH team

August 17, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City

August 17, 2022
Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

August 17, 2022
Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

August 17, 2022
Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

August 17, 2022
Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

August 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.