• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Nasa narco-list, ‘di basta madi-disqualify

Balita Online by Balita Online
March 16, 2019
in Balita
0
Nasa narco-list, ‘di basta madi-disqualify

Comelec Spokesman James Jimenez

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nilinaw ng Commission on Elections na walang epekto sa kandidatura ng mga pulitiko ang pagkakasama ng mga pangalan nila sa narco-list na isinapubliko kamakailan ni Pangulong Duterte.

Comelec Spokesman James Jimenez
Comelec Spokesman James Jimenez

Ito ang inihayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez, ilang araw makaraang isapubliko ng Presidente at isa-isang banggitin ang mga pangalan ng mahigit 40 pulitiko na umano’y sangkot sa aktibidad ng illegal na droga sa bansa.
Bagamat walang epekto sa kandidatura, naniniwala naman si Jimenez na maaaring makaapekto ang pagkakasama ng pulitiko sa listahan sa desisyon ng mga botante kung sinu-sino ang iboboto sa Mayo 13.
Paliwanag ni Jimenez, maaari lang madiskuwalipika ang isang kandidato kung may final conviction na sa kinakaharap nitong kaso.
“Makakaapekto ito sa desisyon ng botante pero sa kandidatura, officially walang epekto, dahil ang narco-list is a list of suspects. Hindi ‘yan list of convictions,” paliwanag ni Jimenez, sa panayam sa telebisyon.
“Ang puwede lang ma-disqualify ay ‘yung may final conviction,” paglilinaw pa niya.
Aniya, maaari lang na maging pinal ang diskuwalipikasyon ng isang kandidato kapag mismong ang Korte Suprema na ang magdesisyon dito.

Mary Ann Santiago

Tags: comelecMay 13 electionspdea
Previous Post

Narco-list, idinepensa ng PDEA

Next Post

Pasaway sa Boracay, isumbong n’yo—DoT

Next Post
Pasaway sa Boracay, isumbong n’yo—DoT

Pasaway sa Boracay, isumbong n’yo—DoT

Broom Broom Balita

  • Marcos, namudmod ng puslit na bigas sa Dinagat Islands
  • MTRCB, humiling ng dagdag na ₱5-M budget para sa ‘honorarium’ ng board members
  • Mas maagang pagbibigay ng cash incentives para sa seniors, isinusulong ni Cong. Abante
  • Manila LGU, humakot ng parangal sa Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards
  • Brownlee, Hollis-Jefferson nagkita sa China
Marcos, namudmod ng puslit na bigas sa Dinagat Islands

Marcos, namudmod ng puslit na bigas sa Dinagat Islands

September 29, 2023
MTRCB, humiling ng dagdag na ₱5-M budget para sa ‘honorarium’ ng board members

MTRCB, humiling ng dagdag na ₱5-M budget para sa ‘honorarium’ ng board members

September 29, 2023
Mas maagang pagbibigay ng cash incentives para sa seniors, isinusulong ni Cong. Abante

Mas maagang pagbibigay ng cash incentives para sa seniors, isinusulong ni Cong. Abante

September 29, 2023
Manila LGU, humakot ng parangal sa Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards

Manila LGU, humakot ng parangal sa Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards

September 29, 2023
Brownlee, Hollis-Jefferson nagkita sa China

Brownlee, Hollis-Jefferson nagkita sa China

September 29, 2023
KD Estrada kay Alexa Ilacad: ‘Will you go to the ABS-CBN Ball with me?’

KD Estrada kay Alexa Ilacad: ‘Will you go to the ABS-CBN Ball with me?’

September 29, 2023
Baron Geisler, walang mabuting alaala sa mga nakaraang ABS-CBN Ball

Baron Geisler, walang mabuting alaala sa mga nakaraang ABS-CBN Ball

September 29, 2023
Pari na sangkot sa sexual abuse sa mga menor de edad, sinibak ni Pope Francis

21 Cardinal, hihirangin ni Pope Francis

September 29, 2023
LPA sa silangan ng Central Luzon, ganap nang bagyong ‘Jenny’

LPA sa silangan ng Central Luzon, ganap nang bagyong ‘Jenny’

September 29, 2023
19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

September 29, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.