• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Water crisis, hanggang June pa

Balita Online by Balita Online
March 12, 2019
in Balita
0
Water crisis, hanggang June pa

TUBIIIIIG! Ipinila ng residente ang kanyang mga balde para mapunuan sa Baseco sa Maynila. (CZAR DANCEL)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Patuloy na makararanas ang mga customer ng Manila Water ng tutulo-tulo hanggang sa wala talagang supply ng tubig sa buong summer season dahil sa El Niño, habang sa ngayon ay wala pang ganitong problema ang mga sineserbisyuhan ng Maynilad.

TUBIIIIIG! Ipinila ng residente ang kanyang mga balde para mapunuan sa Baseco sa Maynila. (CZAR DANCEL)
TUBIIIIIG! Ipinila ng residente ang kanyang mga balde para mapunuan sa Baseco sa Maynila. (CZAR DANCEL)

Sinabi ni Dittie Galang, Manila Water head of planning and tactical development corporate communications, sa isang panayam sa telepono na dahil sa El Niño, magpapatupad ang kumpanya ng “operational adjustments” sa pagsu-supply sa mga customer nito.

“We will implement [scheduled water service interruptions] until summer months. That will be up to June or when the rainy season begins,” ani Galang.

Ilang linggo na ang nakalipas nang ideklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na kasalukuyan nang nararanasan sa bansa ang El Niño, na nagsimula noong huling bahagi ng 2018.

Dahil dito, magiging bihira ang ulan sa bansa simula Abril hanggang Hunyo.

Kinumpirma ngayong Lunes ng PAGASA na nasa critical level na ang La Mesa Dam, habang marami pang supply ang Angat Dam at Ipo Dam.

Dumadanas ng manaka-nakang water interruption ang Mandaluyong City, Pasig City, at San Juan City, gayundin ang ilang bahagi ng Maynila, Quezon City, Makati, Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas at Malabon.

Apektado rin ang Bacoor City, Imus City, Kawit, Noveleta, at Rosario sa Cavite.

-Madelaine B. Miraflor

Previous Post

Duterte, ‘very good’ pa rin

Next Post

Darren, ayaw makisali sa isyu ni JK

Next Post
Darren, ayaw makisali sa isyu ni JK

Darren, ayaw makisali sa isyu ni JK

Broom Broom Balita

  • ‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball
  • Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG
  • Erik Santos, kinilig sa collaboration nila ni Regine Velasquez-Alcasid
  • ‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP
  • MTRCB, may pahayag sa ‘no work, no pay’ issue kung masuspinde ang It’s Showtime
‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball

‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball

October 1, 2023
Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG

Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG

October 1, 2023
Erik Santos, kinilig sa collaboration nila ni Regine Velasquez-Alcasid

Erik Santos, kinilig sa collaboration nila ni Regine Velasquez-Alcasid

October 1, 2023
‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP

‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP

October 1, 2023
‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye

MTRCB, may pahayag sa ‘no work, no pay’ issue kung masuspinde ang It’s Showtime

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Bagyong Jenny, itinaas na sa kategoryang severe tropical storm

October 1, 2023
Ces ibinunyag bakit pumayag sa ‘Stress Drilon’ commercial; mag-aartista na ba?

Ces ibinunyag bakit pumayag sa ‘Stress Drilon’ commercial; mag-aartista na ba?

October 1, 2023
Kyline Alcantara, pumalag sa video ni Mariel Pamintuan?

Kyline Alcantara, pumalag sa video ni Mariel Pamintuan?

October 1, 2023
Cristine Reyes hinahanap ni David DiMuzio; Marco Gumabao, nag-react

Cristine Reyes hinahanap ni David DiMuzio; Marco Gumabao, nag-react

October 1, 2023
‘No network wars na talaga!’ GMA execs naispatan sa ABS-CBN Ball

‘No network wars na talaga!’ GMA execs naispatan sa ABS-CBN Ball

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.