• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

3 araw sa construction site, hamon kay Ramon Tulfo

Balita Online by Balita Online
March 12, 2019
in Balita
0
3 araw sa construction site, hamon kay Ramon Tulfo
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hinamon ng grupo ng mga construction workers si special envoy to China Ramon Tulfo na magtrabaho sa construction site sa loob ng tatlong araw, upang malaman umano niya ang hirap na pinagdaraanan upang kumita at maintindihan nito ang kanilang sitwasyon.

TULFO_ONLINE

Sa Facebook note na ibinahagi ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Associate Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines, kinastigo ng mga construction workers na kumakatawan sa Industry Tripartite Council si Tulfo dahil sa “highly inappropriate” na pahayag nito laban sa mga manggagawa.

“We urge you to immerse in construction sites for three days starting 10 a.m. Wednesday, March 13, 2019. Come live and work with us for three days before you make your conclusions. We have alerted all our members in Metro Manila to assist and accommodate you wherever construction sites you may want to immerse,” pahayag ng grupo, nitong Lunes.

Ang CITC ay bahagi ng isang tripartite body na sangkot sa mga policy consultation at social dialogue na may kaugnayan sa industriya ng konstruksiyon. Binubuo ito ng 100,000 manggagawa mula sa pamahalaan, mga project contractors at mga may-ari.

“If Chinese contractors told you that Filipino workers are inefficient and are slowpokes, why didn’t you verify it? Why didn’t you even defend your fellow Filipinos from these foreign Chinese contractors?” pahayag ng mga manggagawa.

Iginiit din ng grupo na lahat ng mahahalagang imprastruktura ay hindi maitatayo kung hindi dahil sa mga laborer na tinawag ni Tulfo na “slowpokes” at “inefficient”.

Una rito, sinabi ni Tulfo na higit na mas magaling ang mga Chinese workers kumpara sa mga Pinoy, bilang pagdepensa sa pagdagsa ng mga Chinese na manggagawa sa bansa sa isang panayam sa “On The Record” ng CNN Philippines.

Dahil dito, nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines kay Tulfo na humingi ng tawad para mga Pinoy na manggagawa. Gayunman, tumanggi ito at sinabing, “To the Filipino construction workers: Why should I apologize to you for telling the truth that you’re basically lazy and a slowpoke? Does the truth hurt?” tweet ni Tulfo.

Samantala, kinontra rin mismo ng television at radio broadcaster na si Raffy Tulfo ang pahayag ng kanyang panganay na kapatid, at iginiit na walang basehan at hindi alam ni Mon ang mga pinagsasabi nito.

Sinabi pa ni Raffy, sa katunayan nga ay mas hinahanap ng mga kumpanya sa ibayong dagat na kumuha ng mga trabahador na Pinoy dahil matiisin, masipag, at masunurin.

Iginiit rin ng nakababatang Tulfo na walang karapatan ang kanyang kuya na magsalita laban sa mga manggagawang Pinoy kahit na ito’y special envoy pa sa China at sa halip ay dapat umanong unahin ni Mon ang karapatan ng mga Pilipino at hindi ng mga dayuhan.

-Erma R. Edera at Mary Ann Santiago

Tags: CNN PhilippinesRamon Tulfo
Previous Post

‘El Niño Action Plan’ vs tagtuyot, iminungkahi

Next Post

20 utas sa operasyon vs BIFF, Daulah Islamiyah

Next Post
20 utas sa operasyon vs BIFF, Daulah Islamiyah

20 utas sa operasyon vs BIFF, Daulah Islamiyah

Broom Broom Balita

  • Mga guro, bibigyan ng mas mataas na honoraria — Comelec
  • 4 sugar smugglers, kinasuhan ng Bureau of Customs
  • El Niño, maaaring magsimula sa third quarter ng taon – PAGASA
  • DepEd, magha-hire ng 9,650 bagong guro ngayong taon
  • 4 tripulante, nailigtas sa lumubog na bangkang nabangga ng dolphin sa Cagayan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.