Moving on mula sa iyong bigong pag-ibig? Nais makalimutan si ex pero ‘di mai-delete ang mga travel photos n’yong magkasama? Baka matulungan kayo ng bagong online service, ang Edit My Ex.
Sa ulat ng Oddity Central, tulad sa pangalan, maaaring i-edit sa Edit My Ex, ng mga taong nais mabura ang anumang alaala ng kanilang ex sa mga meaningful digital photos. Kailangan lamang i-upload ang photo sa kanilang website at sabihin sa editing expert ang nais mong burahin sa larawan.
Nagkakahalaga ang service ng £8.99 o mahigit P600. At makalipas ng 48 na oras, makukuha mo na ang iyong photo, na “ex-free.”
Ayon kay Mark Rofe, creator ng Edit My Ex, naisip niya ang ideya para sa online service matapos niyang i-edit ang ex-partner ng kanyang kaibigan na nakipaghiwalay at ibigay itong regalo. Naiyak, aniya, sa katatawa ang kanyang kaibigan at dito umano niya nakita ang “powerful the effect of removing someone’s ex from a photo.” Kaya naman nagdesisyon siya na ibahagi ang serbisyo sa iba pang tao.
“After presenting my friend with an ex-less image as a gift, I saw just how powerful the effect of removing an ex-partner from a favorite digital photograph could be,” pagbabahagi ni Rofe.
“As someone with a background in design, I thought that I could put my skills to good use to make someone going through a break-up smile, and with my team of designers, we can’t wait to start helping others regain their favorite photos without any unwelcome additions.”