• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Ang Ospital, horror video game na proudly Pinoy!

Balita Online by Balita Online
March 4, 2019
in Balita Archive
0
Ang Ospital, horror video game na proudly Pinoy!
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mahilig ka ba sa mga nakakatakot na video games? Kung oo, siguradong magiging interesado ka sa bagong video game ngayon na likha ng mga estudyante ng University of Caloocan—“Ang Ospital”.

51998495_2356724201223764_5523848076080447488_o

Thesis project lang ang “Ang Ospital”, na hinalaw sa isang totoong mental hospital sa Baguio City, ang Bridgerough National Institute for Mental Health noong 1920. Isinara ang pagamutan noong 1979 matapos mapabalita ang umano’y pananakit at pagpapabaya ng mga tauhan ng ospital sa mga pasyente nito.

Sa “Ang Ospital”, na tinatawag na survival horror game, hindi puwedeng saktan o patayin ng player ang kanyang mga kalaban, kailangan lang niyang makaiwas sa mga ito, magtago o tumakbo, at mahalagang manatili siyang buhay habang naglilibot sa buong ospital.

Maraming makakaharap na kalaban, o “boss” kung tawagin, na may kani-kanyang back story.

Pero hindi na bago ang ganitong klase ng video game. Sa katunayan, naikukumpara ang “Ang Ospital” sa “Outlast”, kung saan kinakailangang maka-survive ng isang journalist habang iniikot ang isang abandonadong ospital.

Kahit hindi na bago ang ganitong klase ng laro, wala tayong dahilan para hindi ito subukan, lalo na’t gawang Pinoy ito, batay sa isang pasilidad sa ating bansa, at likha ng mga estudyante na tiyak na naipasa ang kanilang thesis.

Tinatalakay din ng video game ang kasaysayan ng orihinal na ospital, at iba pang paksang kaugnay nito, tulad ng mental health at illness, child abuse, medical malpractice, at iba pa.

Ang “Ang Ospital”, na nasa ilalim ng Underdog Games, ay inilabas pa lang para sa isang beta test, pero hindi pa available sa publiko.

Bagamat nasa stage pa rin ito ng pag-aaral, inaabangan na ang tuluyang pagre-release ng “Ang Ospital” ngayong 2019.

-ANGELLI CATAN

Previous Post

Ex-cop nag-amok, senior citizen utas

Next Post

Bea, ‘speechless’ kay Charo sa ‘Eerie’

Next Post
Bea, ‘speechless’ kay Charo sa ‘Eerie’

Bea, 'speechless' kay Charo sa 'Eerie'

Broom Broom Balita

  • ‘Sey mo, Tom?’ Carla Abellana, prangkang sumagot sa lie detector test ni Bea Alonzo
  • Apat na pagkaing Pinoy, kasama sa 100 worst dishes in the world
  • Ilang bahagi ng Luzon, makararanas ng katamtamang ulan dulot ng amihan
  • Mona Alawi, naiyak sa concert ng ENHYPEN
  • John Prats, sobrang saya sa pagiging ninong sa anak ni Angelica Panganiban
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.