• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

2 Chinese, 2 Pinoy huli sa sexual exploitation

Balita Online by Balita Online
February 28, 2019
in Balita
0
2 Chinese, 2 Pinoy huli sa sexual exploitation
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang Chinese at dalawang Pinoy habang nasagip ang 16 na babae, kabilang ang 11 menor de edad, na umano’y biktima ng prostitusyon sa condominium unit sa Makati City, nitong Miyerkules.

CHI-FIL copy

Nasa kustodiya ng NBI headquarters sa United Nations, Maynila at iniimbestigahan ang hindi pa pinapangalanang mga Chinese, na sinasabing may-ari ng condo unit, at mga Pilipino na umano’y sex exploitation operators.

Nasa pangangalaga naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 16 na babae, na isasailalim sa counseling.

Sa ulat ni Janet Francisco, hepe ng Anti-Trafficking Division ng NBI, sinalakay ng kanyang mga tauhan ang isang condo unit sa Makati City, dakong 11:00 ng gabi.

Unang nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad na pino-post sa group chat sa social media ang larawan ng mga biktima para pagpilian ng mga parokyanong Chinese, na nakabase sa Metro Manila, sa halagang P3,000 bawat isa na kapalit ng “panandaliang aliw”.

Dahil dito, sinalakay ng NBI ang unit at inaresto ang mga suspek at nasagip ang mga biktima.

Inihahanda na ang patung-patong na kaso laban sa mga suspek.

-Bella Gamotea

Tags: Anti-Trafficking Divisiondepartment of social welfare and developmentnational bureau of investigationunited nations
Previous Post

TNT Boys, tinalo ang Emotional Line sa ‘The World’s Best’ battle round

Next Post

DoH doctor, 6 pa laglag sa buy-bust

Next Post
DoH doctor, 6 pa laglag sa buy-bust

DoH doctor, 6 pa laglag sa buy-bust

Broom Broom Balita

  • MPL Philippines Season 11, gaganapin sa Makati
  • Fans ni Taylor Swift, pabirong hinikayat na solusyonan ang mataas na presyo ng itlog sa US
  • Isang grupo ng community pantry, tinutulungang magbenta ang mga magsasaka ng sibuyas
  • Ronnie sa mga naisyu sa kaniya habang sila noon ni Loisa: ‘Huwag niyo ibash, kasalanan ko ‘yun’
  • Palawan, tanging probinsya na lang sa bansa na may kaso ng malaria — DOH
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.