• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Comelec sa publiko: Tulong, please

Balita Online by Balita Online
February 17, 2019
in Balita
0
Comelec sa publiko: Tulong, please

SOBRA-SOBRA SA SUKAT Naglalakad ang pedestrian sa harap ng hilera ng campaign posters sa UN Avenue sa Maynila nitong Biyernes. (JANSEN ROMERO)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter
SOBRA-SOBRA SA SUKAT Naglalakad ang pedestrian sa harap ng hilera ng campaign posters sa UN Avenue sa Maynila nitong Biyernes. (JANSEN ROMERO)
SOBRA-SOBRA SA SUKAT Naglalakad ang pedestrian sa harap ng hilera ng campaign posters sa UN Avenue sa Maynila nitong Biyernes. (JANSEN ROMERO)

Hinimok ng isang opisyal ng Commission on Elections ang taumbayan na tumulong sa kanila sa pagtiyak na magiging malinis ang halalan sa Mayo 13.

Aminado si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na hindi nila kayang bantayan ang lahat ng kandidatong lumalabag sa batas ngayong campaign period, kaya umaapela sila ng tulong mula sa mamamayan.

Ayon pa kay Guanzon, kung talagang nais ng mamamayan na maging malinis ang eleksiyon ay makipagtulungan sila, maging mapagmatyag at isumbong sa Comelec ang mga makikita nilang maling gawi, na may kinalaman sa halalan.

“Mga taumbayan, makibantay po kayo. Sabihin nila trabaho ‘yan ng Comelec, bakit nila gawin? Maawa naman po kayo sa ‘min. Kung gusto n’yo talaga ng malinis na halalan, tumulong po ang taumbayan sana,” panawagan pa ni Guanzon sa isang panayam sa radyo.

“Ang hinihingi namin makibantay na lang rin kayo, dahil hindi namin kaya na bantayan lahat ‘yan,” ani Guanzon.

Inihalimbawa pa ni Guanzon ang mga insidente ng vote buying, gaya ng pamimigay ng gadgets, pera at iba pang items ng mga kandidato sa mga botante, na dapat i-report sa mga opisyal ng Comelec sa kanilang lugar, gayundin ang pagkakaroon ng illegal campaign materials.

Nanawagan rin si Guanzon sa mga botante na huwag magpasilaw at huwag ibenta ang kanilang boto kapalit ng kakarampot na halaga.

“Sana matigil na ang vote buying, para naman maayos itong election natin,” sabi ni Guanzon. “Sana ‘yung mga botante ‘wag na lang kayong magbenta ng boto n’yo. Kasi ‘yan mahirap para sa Comelec na bantayan, at ‘yan talaga nakakasira sa election natin.”

-Mary Ann Santiago

Tags: Commission on Elections
Previous Post

Tinigdas sa SOCCSKSARGEN, dumami pa

Next Post

Shooting incident sa EDSA

Next Post

Shooting incident sa EDSA

Broom Broom Balita

  • 9-anyos, nagsauli ng napulot na sobreng may cash; may-ari na isang cancer survivor, naantig
  • Nanay, flinex ang nakakatawang sagot ng anak sa assignment: ‘May chanak akong kapatid!’
  • Gigi De Lana, ibinunyag ang malalim na dahilan bakit nagpaiksi ng buhok
  • LPG, may taas-presyo sa susunod na linggo
  • Pilot test ng BSKE sa ilang piling malls, plano ng Comelec
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.