• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon PAHINA SIYETE

Salot sa agrikultura

Balita Online by Balita Online
February 13, 2019
in PAHINA SIYETE
0
Salot sa agrikultura
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MATINDI ang utos ni Pangulong Duterte sa kanyang Gabinete hinggil sa paglutas ng land conversion cases: Repasuhin at bilisan ang mga pamamaraan sa pagpapatibay ng mga aplikasyon sa land conversion upang maiwasan ang mga katiwalian.

Sa kanyang tagubilin na may kaakibat na panggagalaiti, lumilitaw na nagkaroon ng mistulang pagpapabaya ang kinauukulang mga kagawaran—Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Agriculture (DA), at Department of Environment and Natural Resources (DENR)—na naging dahilan ng pagkabalam sa paglutas ng mga land conversion cases. Bunga nito, bumagal din ang pag-usad ng mga programang pangkabuhayan, panlipunan tungo sa pangangalaga ng kapaligiran.

Ang land conversion program ng gobyerno ay kinapapalooban, sa aking pagkakaalam, ng paggamit ng mga nakatiwangwang na lupain para sa kapaki-pakinabang na proyekto para sa kapakinabangan ng sambayanan, lalo na ng tinatawag na nasa laylayan ng mga komunidad. Ang naturang mga lupain ay maaaring pagtayuan ng mga negosyo na inaasahang magbibigay ng trabaho sa sambayanan; doon din manggagaling ang kanilang ikabubuhay.

Sa implementasyon ng nabanggit na programa, hindi marahil kalabisang ipagunita sa administrasyon na marapat na maging mahigpit sa pagpapatibay ng mga aplikasyon sa land conversion. Hindi dapat maisakripisyo rito ang ating mga sakahan o agricultural land na pinagtataniman ng palay, mais at maging iba pang pananim na tulad ng sibuyas, bawang at iba pa.

Totoo, hindi dapat pakiputin o paliitin ang lawak ng ating mga bukirin. Manapa, marapat na palawakin pa ang mga ito upang lalong umapaw ang ating ani. Sa gayon, magiging madali ang pagtatamo natin ng sapat na produksiyon. At hindi malayo na matupad ang ating mga pangarap na ang Pilipinas ay magiging isa nang rice exporting country, sa halip na manatiling isang rice importing country.

Kailangang mahadlangan ang hangarin ng ilang pasimuno sa pagtatayo ng housing projects sa malalawak na agricultural land. Sila ang nagiging balakid sa pagsulong ng ating agricultural program.

Ang gayong grupo ng mga negosyante ang maituturing na mga salot sa agrikultura—mga hadlang sa pagkakaroon natin ng sapat na ani para sa sambayanan at sa bansa.

-Celo Lagmay

Tags: department of agrarian reformdepartment of agriculturedepartment of environment and natural resources
Previous Post

Int’l Table Tennis tilt sa TOPS ‘Usapang Sports’

Next Post

Baldo, bantay-sarado matapos magpiyansa

Next Post
Baldo, bantay-sarado matapos magpiyansa

Baldo, bantay-sarado matapos magpiyansa

Broom Broom Balita

  • Rendon, may pa-blind item tungkol sa personalidad na walang supporters
  • Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit
  • Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon
  • JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH
  • ‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists
Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit

Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit

December 10, 2023
Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon

Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon

December 10, 2023
JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH

JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH

December 10, 2023
‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists

‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists

December 10, 2023
Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres

Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres

December 10, 2023
Mas matinding traffic sa Metro Manila, asahan sa mga susunod na linggo

Mas matinding traffic sa Metro Manila, asahan sa mga susunod na linggo

December 10, 2023
Maja, ibinahagi ang pinapangarap na pamilya

Maja, ibinahagi ang pinapangarap na pamilya

December 10, 2023
Andrea, bawal tanungin sa hiwalayang KathNiel?

Andrea, bawal tanungin sa hiwalayang KathNiel?

December 10, 2023
Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig

Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig

December 10, 2023
Easterlies, makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa

Easterlies, makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa

December 10, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.