• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

P60K pekeng panty liner, nasamsam sa Antipolo

Balita Online by Balita Online
February 10, 2019
in Balita
0
P60K pekeng panty liner, nasamsam sa Antipolo
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mahigit P60,000 halaga ng pekeng panty liner ang nasamsam ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) sa isang pagsalakay sa Antipolo City, nitong Biyernes.

PANTY

Ayon kay Isaac Carpeso, team leader ng NBI-IPRD, sinalakay ng awtoridad ang Misumi Direct Sales sa Unit 5, Okinari Building, Circumferential Road, Antipolo, Rizal, sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court branch 46.
Nakuha sa establisyemento, na pagmamay-ari ni Donnah Mae M. Miranda, ang mahigit limang kahon ng pekeng Shuya panty liner.

Samantala, nagsagawa rin ng pagsalakay ang NBI-Davao sa Davao City at nakumpiska ang isang kahong pekeng panty liner.

Ani Carpeso, isinagawa ang operasyon nang makatanggap ng reklamo mula sa totoong gumagawa ng Shuya panty liner.
“S’yempre ‘yung welfare at safety ng ating consumer public ‘yun ang maapektuhan nila… ‘Yung kita nila mababawasan kasi mas marami ang bibili nito mas mura eh, pero yung quality syempre mas low, kasi sub-standard ito,” ani Carpeso.

Ibinebenta ang mga pekeng panty liner sa halagang P250, mas mura kumpara sa orihinal na presyo na mahigit P400.

Nahaharap si Miranda sa kasong paglabag sa trademark infringement o RA 8293, at maaaring makulong ng dalawa hanggang limang taon at magmulta ng P50,000 hanggang P200,000.

-Beth Camia

Tags: antipoloManila Regional Trial CourtNational Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division
Previous Post

BF ng natigok sa drug overdose, aarestuhin

Next Post

Bus vs jeep, 20 duguan

Next Post
Bus vs jeep, 20 duguan

Bus vs jeep, 20 duguan

Broom Broom Balita

  • Netizen, nanawagan ng tulong para sa operasyon sa puso ng ‘visually impaired’ na ina
  • Estudyante, patay nang tangkaing iligtas ang mga nalulunod na pinsan sa ilog
  • ‘Sorry Rapunzel, iksi ng buhok mo!’ Vice Ganda, flinex kasweetan ni Ion
  • Pope Francis, nakatakdang ma-discharge sa ospital sa Sabado
  • Madam Inutz, bet banggain sina Rosmar, Glenda
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.