• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Sino si Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman?

Balita Online by Balita Online
January 27, 2019
in Showbiz atbp.
0
Sino si Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman?

Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Muling gumawa ng kasaysayan ang Pilipinas sa larangan ng pageantry nang makuha ni Bb. Pilipinas Intercontinental Karen Gallman ang mailap na korona ng Miss Intercontinental—ang unang pagkakataon para sa bansa sa nakalipas na 47 taon.

Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman
Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman

Nangibabaw ang ganda at talino ng beauty queen mula sa Ubay, Bohol sa 84 na iba pang kandidata sa patimpalak, na idinaos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, nitong Sabado ng gabi.
Tulad ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, isa ring Filipino-Australian ang dalaga. Siya rin ang huling Binibini sa kasalukuyang batch ng mga nanalo na nakipaglaban sa international contest.
Sa final question and answer portion ng Miss Intercontinental 2018, tinanong ang top 3 finalist ng: “How do you define success?”
Sagot ni Karen: “For me, success is not just about winning in life but setting goals and achieving your dreams and working hard for everything you want, and always looking up to God and being thankful for everything. For me that is success.”
Sa preliminary ng patimpalak, nakuha na agad ng 5’6 ang taas na beauty queen ang dalawang special awards, ang Media’s Choice at Standout Beauty (H&H Makeover Beauty Salon ni Wilbert Tolentino).
Wagi naman bilang 1st runner-up si Miss Costa Rica Adriana Moya Alvarado, 2nd runner-up si Miss Slovak Republic Laura Longauerova, 3rd runner-up si Miss Colombia Hillary Hollmann, 4th runner-up si Miss Vietnam Ngan Anh Au Le, at si Miss Ethiopia Bella Lire Lapso ang 5th runner-up.
Pasok din sa Top 20 semi-finals ang mga pambato ng Ghana, Japan, Malaysia, Myanmar, Thailand, Czech Republic, Germany, Hungary, Netherlands, Ukraine, Mexico, USA, Paraguay, at Ecuador.
Mula sa Top 20, bumaba sa anim ang bilang at pumasok sina: Miss Ethiopia (Continental Queen, Africa), Miss Philippines (Continental Queen, Asia and Oceania), Miss Slovak Republic (Continental Queen, Europe), Miss Costa Rica (Continental Queen, North America), at Miss Colombia (Continental Queen, South America). Habang wagi si Miss Vietnam sa People’s Choice.
Nagsanay sa ilalim ng Kagandahang Flores beauty camp ni Rodgil Flores, engaged na ang 26-anyos si Karen sa kanyang long-time boyfriend na si Ian Galton.
Sa mga nakalipas na taon ng patimpalak, walang Pinay ang pinalad na makakuha ng titulo. Pinakamataas na nakuha ng bansa sa patimpalak ang 1st runner-up, na nasungkit nina Katarina Rodriguez (2017) at Christi Lynn McGarry (2015).
Sa MOA, present para kay Karen si Binibining Pilipinas Charities Inc. Chairperson Stella Marquez Araneta, ang asawa nitong si Jorge Araneta, ang President at CEO ng Araneta Group; si BPCI Executive Committee Vice Chairperson Conchitina Sevilla Bernardo, sina Raymund Villanueva at Betsy Westendorp de Brias.
HOME ADVANTAGE
Samantala, nabanggit din ni Karen, dating trade analyst sa London, na isang advantage para sa kanya na sa bansa idinaos ang patimpalak.
“I guess in a way it’s also an advantage that it’s being held here in the Philippines because I will have my supporters supporting me on pageant night, so I am very excited for that. At the same time I prepared so hard, it’s been very challenging and been very busy for me especially these holidays,” pahayag ni Karen.
“I am going into the competition really prepared for anything,” sabi ni Karen.
Setyembre 2018 nang itinalaga si Karen ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process bilang isa sa mga peace ambassadors.
Bahagi naman ng kanyang adbokasiya ang pagsusulong ng kapayapaan, edukasyon at kapakanan ng mga bata.

Robert R. Requintina

Tags: binibining pilipinasKaren GallmanMiss Intercontinental 2018
Previous Post

5,000 sumali sa ‘Battle for Manila Bay’

Next Post

Eduard Folayang pinaplanong manalo sa ibang bansa

Next Post
ONE Championship: Folayang, umaasa sa kanyang karanasan sa laban kay Khan

Eduard Folayang pinaplanong manalo sa ibang bansa

Broom Broom Balita

  • Departamento ng Kasaysayan sa UP, may libreng webinar para sa mga guro ng Kasaysayan ng Pilipinas
  • Police assistance, mahigpit na ipatutupad sa Cordillera
  • Lovi Poe, may ‘short but sweet’ birthday message para sa dyowang scientist, filmmaker
  • Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong
  • Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol
Departamento ng Kasaysayan sa UP, may libreng webinar para sa mga guro ng Kasaysayan ng Pilipinas

Departamento ng Kasaysayan sa UP, may libreng webinar para sa mga guro ng Kasaysayan ng Pilipinas

August 13, 2022
Police assistance, mahigpit na ipatutupad sa Cordillera

Police assistance, mahigpit na ipatutupad sa Cordillera

August 13, 2022
Lovi Poe, may ‘short but sweet’ birthday message para sa dyowang scientist, filmmaker

Lovi Poe, may ‘short but sweet’ birthday message para sa dyowang scientist, filmmaker

August 13, 2022
Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong

Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong

August 13, 2022
Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol

Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol

August 13, 2022
Vice Ganda, umeksena muli sa isang digital billboard sa Seoul, South Korea

Vice Ganda, umeksena muli sa isang digital billboard sa Seoul, South Korea

August 13, 2022
Executive Secretary Rodriguez, ‘di nag-resign — Malacañang

Idinipensa ng Malacañang: Rodriguez, ‘di sangkot sa ‘illegal’ sugar importation

August 13, 2022
Maguindanao, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol; aftershocks, inaasahan!

Maguindanao, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol; aftershocks, inaasahan!

August 13, 2022
Herlene, aminadong maaaring ‘for the traffic’ ang naging sagot sa Q&A kung ‘di naisalin sa Tagalog

Herlene, aminadong maaaring ‘for the traffic’ ang naging sagot sa Q&A kung ‘di naisalin sa Tagalog

August 13, 2022
Anak, binigyan ng sertipiko ang ama; sumubaybay sa FPJ’s Ang Probinsyano mula day 1 hanggang wakas

Anak, binigyan ng sertipiko ang ama; sumubaybay sa FPJ’s Ang Probinsyano mula day 1 hanggang wakas

August 13, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.