• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pope Francis, balik-‘Pinas sa 2021?

Balita Online by Balita Online
January 20, 2019
in Balita
0
Pope Francis, balik-‘Pinas sa 2021?

Pope Francis

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

May posibilidad na bumisita uli sa Pilipinas si Pope Francis sa 2021.

Pope Francis
Pope Francis

Sa misa na pinangunahan ni Cebu Archbishop Jose Palma para sa kapistahan ng Sto. Niño ngayong Linggo, inihayag ng arsobispo na pinadalhan nila ng imbitasyon si Pope Francis upang bumisita sa bansa, partikular na sa Cebu, para saksihan ang pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Ayon kay Palma, umaasa siyang pagbibigyan ng Santo Papa ang imbitasyon na makiisa sa mga Pinoy na ipagdiwang ang napakahalagang okasyon sa kasaysayan ng Katolisismo sa Pilipinas.
Inaasahan namang magiging napakalaking pagtitipon ang naturang okasyon para sa mga Katoliko, lalo na dahil 2013 pa nang simulan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paghahanda para rito.
“Let us pray that the pope will come here,” sinabi ni Palma, dating pangulo ng CBCP.
Dakong 6:00 ng umaga ngayong Linggo nang pinangunahan ni Palma ang misa para sa kapistahan ng Sto. Niño sa Cebu, at sa kanyang homiliya, pinaalalahanan niya ang mga Katoliko na hindi dapat na mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga problemang kinakaharap, dahil hindi sila nag-iisa.
Aniya, dapat din na magtiwala at patuloy na manampalataya ang mga tao sa Panginoon, dahil kailanman ay hindi Niya tayo binigo at pinabayaan.
Kuwento niya, noong sinaunang panahon ay mga pagano ang mga Pinoy hanggang sa dumating ang Sto. Niño sa bansa noong 1521.
“It is the Sto. Niño who found us and showed us His love,” sabi ni Palma.
Aniya, kahit hindi karapat-dapat ang tao ay ginawa tayong mga anak ng Diyos, kaya dapat lang na pasalamatan natin ang Panginoon sa walang maliw na pag-ibig sa atin.
May temang “Sto. Niño: Guide of God’s Children to Service and Humility” ngayong taon, katuwang ni Palma sa misa para sa pista ng Sto. Niño sina Palo Archbishop John Du, retired Bishop Antonio Rañola, at 40 pang pari.

Mary Ann Santiago

Tags: Archbishop Jose Palmacatholic churchcbcpPope Francis
Previous Post

Comelec: Bawal ang check at X marks sa balota

Next Post

Rematch kay Mayweather, posible

Next Post
Rematch kay Mayweather, posible

Rematch kay Mayweather, posible

Broom Broom Balita

  • Mayor Isko, nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall
  • MMDA, masusing minomonitor ang sitwasyon ng trapiko sa pagsasara ng Timog Flyover
  • Vice Ganda, pinag-shopping ang anak ni Ethel Booba; ‘sky is the limit’ ang peg
  • 2 ‘miyembro’ ng akyat-bahay gang, timbog; mahigit ₱108K na pera, nabawi
  • Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela
Mayor Isko, nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall

Mayor Isko, nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall

June 27, 2022
MMDA, masusing minomonitor ang sitwasyon ng trapiko sa pagsasara ng Timog Flyover

MMDA, masusing minomonitor ang sitwasyon ng trapiko sa pagsasara ng Timog Flyover

June 27, 2022
Vice Ganda, pinag-shopping ang anak ni Ethel Booba; ‘sky is the limit’ ang peg

Vice Ganda, pinag-shopping ang anak ni Ethel Booba; ‘sky is the limit’ ang peg

June 27, 2022
2 ‘miyembro’ ng akyat-bahay gang, timbog; mahigit ₱108K na pera, nabawi

2 ‘miyembro’ ng akyat-bahay gang, timbog; mahigit ₱108K na pera, nabawi

June 27, 2022
Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela

Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela

June 27, 2022
Marjorie, magsasalita sa takdang panahon; mga anak, bakit nga ba dinededma si Dennis?

Marjorie, magsasalita sa takdang panahon; mga anak, bakit nga ba dinededma si Dennis?

June 27, 2022
Tuesday Vargas, inalala ang mga pinagdaanan: ‘Dati kapag namimili ako, nagdadala ako ng calculator’

Tuesday Vargas, inalala ang mga pinagdaanan: ‘Dati kapag namimili ako, nagdadala ako ng calculator’

June 27, 2022
Rica, ibinahagi ang sagot ng panganay na anak noon kapag nakaharap si outgoing VP Leni

Rica, ibinahagi ang sagot ng panganay na anak noon kapag nakaharap si outgoing VP Leni

June 27, 2022
Lahar flow, naitala sa Mt. Bulusan — Phivolcs

Lahar flow, naitala sa Mt. Bulusan — Phivolcs

June 27, 2022
Outgoing VP Leni kay Sen. Risa: ‘Ikaw na ang lider namin!’

Outgoing VP Leni kay Sen. Risa: ‘Ikaw na ang lider namin!’

June 27, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.