• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Probinsya

P20-M pabuya, ibinigay na ni Duterte

Balita Online by Balita Online
January 19, 2019
in Probinsya
0
probinsya
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

LEGAZPI CITY, Albay – Ibinigay na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga testigo ang P20 milyong reward kaugnay ng pagkakapaslang kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe sa Daraga, Albay, nitong nakaraang taon.

Ito ang kinumpirma ni Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo “Pido” Garbin, Jr.

Kabilang aniya sa nakatanggap nito ng testigong si Emmanuel Judavar. Gayunman, hindi na nito binanggit ang pagkakakilanlan ng iba pang mga testigong nabigyan ng pabuya.

“Ni-release na ni Presidente ‘yung P20 million dun sa mga witness. ‘Di ko alam kung papano ‘yung pagpili but definetly the two gunman were not given. Si Yuson at si Arimado, hindi ‘yun binigyan. Unang binigyan yata si Judavar (Emmanuel), ‘yung iba siguro hindi ko na pangalanan kasi hindi ko kabisado,” ayon kay Garbin.

Ibinigay na rin aniya sa kanila ni Negros Occidental Occidental 3rd District Rep. Albee Benitez ang bahagi ng reward na nauna nang ipinangako ng House of Representatives.

Nilinaw din nito na hindi na makikialam ang Malakanyang at ang Kongreso sa inilaang pabuya ng Ako Bicol Party-list at Albay provincial government.

Tiniyak na rin aniya sa kanila ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na “airtight’ o malakas ang hawak nilang kasong murder at frustrated murder.

“During the security briefing, unang-una, siniguro ni PNP chief Albayalde na “airtight” ‘yung kaso. All the witnesses are in their custody. Talagang siniguro niya na ang mga ito ay nagsasabi ng totoo at nagko-corroborate ang lahat ng kanilang testimonya on material points. Ibig sabihin titindig ang kaso sa korte that will lead to the conviction of the mastermind,” pahayag ni Garbin.

Kaugnay nito, binigyan na rin ng PNP ng dalawang police escort ang pamilya ni Batocabe dahil na rin sa panganib sa kanilang buhay.

-Niño N. Luces

Previous Post

Umiwas sa reblocking: EDSA, Batasan, C-5

Next Post

Nakilala na ang mga nais maglingkod sa bayan

Next Post

Nakilala na ang mga nais maglingkod sa bayan

Broom Broom Balita

  • ‘Relationship goals’: Celebrity couples na mahigit 10 years nang nagsasama
  • Bibingka, kasama sa ‘100 best cakes in the world’
  • #GoingStrong: Mga Celebrity couples na mahigit 15 taon na ang relasyon
  • ‘Basta mag-aral nang mabuti ha?’ Technician, libreng inayos ang sirang phone ng estudyante
  • Alex Gonzaga, nakipag-meet-and-greet sa fans bilang pasasalamat sa suporta
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.