• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

Monsour sa POC: ‘Ako po ang CDM, Isali po ninyo ako’

Balita Online by Balita Online
January 11, 2019
in Sports
0
Monsour sa POC: ‘Ako po ang CDM, Isali po ninyo ako’

IPINAPALIWANAG ni SEA Games swimming multi-medalist Eric Buhain (ikalawa mula sa kanan) ang konsepto ng open try-outs para mapili ang pinakamahuhusay na batang swimmers na bubuo sa National Team na sasabak sa 2019 edisyon ng biennial meet na gaganapin sa bansa sa Nobyembre, habang nakamasid sina (mula sa kaliwa) SEAG Chef de Mission Monsour del Rosario, TOPS President Ed Andaya at National coach Pinky Brosas sa isinagawang ‘Usapan sa Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

TRABAHO lang, walang personalan.

Sa ganitong pananaw, itinatawid ni Makati Congressman at dating taekwondo champion Monsour del Rosario ang responsibilidad bilang Chef de Mission ng Team Philippines para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Manila.

Sa kabila ng katotohanan na mistulan siyang ‘saling-pusa’ sa isinasagawang paghahanda ng Philippine Olympic Committee (POC) sa hosting ng biennial meet, iginiit ni Monsour na tuloy lang lang ang kanyang trabaho alang-alang sa tagumpay ng atletang Pinoy sa biennial meet.

Nakatakda ang SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa tatlong venue – Subic, Clark Freeport at Manila.

“Sa totoo lang, wala akong pinanghahawakan na detalye, regarding sa preparasyon natin sa SEA Games. Hindi ko alam, dahil hindi naman ako isinasama sa kanilang mga meeting. Ayoko naman na ipagsiksikan ko ang sarili, eh! baka iba talaga ang diskarte ng bagong grupo sa POC,” pahayag ni Monsour, naging kinatawan ng bansa sa Asian Games at Olympics.

Ang 50-anyos taekwondo champion ay naging Chef De Mission ng Team Philippines sa matagumpay na kampanya sa 2018 Asian Indoor and Martial Arts Games sa Turkimistan (2-14-14 medals), ay itinalagang Chef de Mission sa 30th SEA Games ni Jose ‘Peping’ Cojuangco.

Ngunit, nang palitan ni Ricky Vargas si Cojuangco sa POC election na ipinag-utos ng Pasig court nitong Hunyo, kaagad na inalis si Monsour, subalit pinabalik din kalaunan.

“Yung credentials ko naman po ay hindi matatawaran, pero naghihintay lang po ako ng utos ng aking mga Boss sa POC. So far, nakikibalita lang ako sa ilang mga opisyal kasi, wala akong direktang kaalaman sa nagaganap,” pahayag ni Monsour.

Gayunman, handa si Monsour na balikatin ang mga responsibilidad para masiguro ang tagumpay ng atletang Pinoy sa darating na SEA Games.

Iginiit niMonsour sa mga opisyal ng national sports association na tigilan na ang bagayan at hidwaan para maging kampante ang paghahanda sa pinakamalaking torneo ngayong taon.

“The Filipino athletes are talented enough to be the best in Southeast Asia, but we still have a lot of work to do to win the gold medals,” pahayag ni Monsour sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

“As host nation, we have to do our best to win as many gold medals as possible,” sambit ni Monsour.

Aniya, target niya na gabayan ang mga atleta para maduplika hindi man mahigitan ang tagumpay ng bansa sa 2005 SEA Games kung saan nakamit ng Pinoy ang overall championship.

“Sa SEAG, ang labanan dito gold medal, kaya target natin maging champion ulit,’ aniya.

-Edwin Rollon

Tags: Monsour del Rosariophilippine olympic committeeRicky Vargassoutheast asian gamesTabloid Organization
Previous Post

Heart, sali sa ‘Crazy Rich Asian’ sequel?

Next Post

Isang malakas na political will para linisin ang Manila Bay

Next Post

Isang malakas na political will para linisin ang Manila Bay

Broom Broom Balita

  • Manay Lolit, 75, sasailalim sa isang kidney transplant, grateful sa kaniyang sponsors
  • Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na
  • ₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd
  • May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch
  • Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang
Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

August 19, 2022
₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

August 19, 2022
May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

August 19, 2022
Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

August 19, 2022
‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

August 19, 2022
Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22

Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22

August 19, 2022
Vice Ganda, tinuldukan ang chismis na hiwalay na sila ni Ion Perez

Vice Ganda, tinuldukan ang chismis na hiwalay na sila ni Ion Perez

August 19, 2022
Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay

Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay

August 19, 2022
Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’

Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’

August 19, 2022
30 bahay, nasunog sa Pasay City

30 bahay, nasunog sa Pasay City

August 19, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.