• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Sylvia, natupad na ang pangarap na maging adik sa pelikula

Balita Online by Balita Online
January 10, 2019
in Showbiz atbp.
0
Sylvia, natupad na ang pangarap na maging adik sa pelikula
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NAGULAT kami nang makita namin si Sylvia Sanchez sa kaarawan ni Daddie Wowie na producer ng indie film na ginagawa ngayon ng aktres na may working title na Jesusa, na idinirek ni Ronald Carballo dahil bago ang imahe niya.

Sylvia copy

Nasa bucket list ni Ibyang ang karakter niya sa Jesusa dahil isa siyang adik o gumon sa ipinagbabawal na gamot.

Anyway, nanibago kasi kami sa aktres dahil bukod sa nagpagupit ng buhok ay naka-carrot jeans at maluwag na polong naka-tuck in siya. Hindi kasi ganito ang get-up ni Ibyang kapag may mga lakad.

Kaya tinanong namin, “anong get-up ‘yan? Bagong imahe?” at tinawanan lang kami.

“’Di ba nga, gusto kong bagong look sa teleserye namin?,” kaswal na sagot ng aktres.

Ang binabanggit na serye ni Sylvia ay mula sa RSB unit na pinangungunahan nina JM De Guzman, Arci Munoz at Joey Marquez.

Oo nga naman, halos lahat kasi ng soap drama na tinampukan niya ay halos iisa ang itsura ng aktres kaya siguro bigla niyang iniba sa pagpasok ng 2019.

E, bakit pati pananamit, pang milenyal, “e, gusto ko, bakit ayaw mo? Hindi ko ba bagay?” sunud-sunod na tanong sa amin.

‘Bumagay nga, bumata ka tingnan, nagulat lang ako,’ katwiran namin.

Samantala, sobrang saya ni Ibyang dahil ang dami niyang projects sa pagpasok ng 2019 kasi bukod sa indie film na Jesusa ay on-going na ang taping ng seryeng kinabibilangan niya. Hindi lang iyan dahil kabilang din siya sa pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil at may shooting siya sa Linggo, Enero 13, sa isang kilalang museum sa Pilipinas.

May upcoming movies pa siyang naka-line up na hindi pa puwedeng banggitin at higit sa lahat, maganda ang feedback ng travel vlog niyang Sylviahera.

Binati namina ang gamit niyang sasakyan sa volg kasi ang ganda, kaya tinanong na rin namin kung sino sa mga anak niya ang may-ari dahil very millennial, “akin ‘to. Regalo ko sa sarili ko,” mabilis nitong sagot.

Ay kaya naman pala pang-milenyal rin ang get-up niya, kasi ibinagay sa bagong kotse, ha, ha, ha. In fairness, bagay nga sa ‘yo, Ibyang.

-REGEE BONOAN

Previous Post

NU vs Ateneo sa UAAP Jrs.

Next Post

Aicelle at Mark, inip na

Next Post
Aicelle at Mark, inip na

Aicelle at Mark, inip na

Broom Broom Balita

  • Mahigit ₱2/liter, ibabawas sa presyo ng produktong petrolyo next week
  • Lolit Solis hinggil sa pagsusustento ni Paolo Contis: ‘Maaga pa, puwede ba siyang bumawi…’
  • Xyriel Manabat bilang Tonet sa ‘Dirty Linen’: ‘She’s more than just her number of followers’
  • Binatilyo, patay nang malunod sa isang ilog sa Caloocan
  • ₱2,000 buwanang subsidiya para sa mga magulang ng CWD, isinusulong
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.