• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

Buhain at Monsour sa TOPS ‘Usapang Sports’

Balita Online by Balita Online
January 10, 2019
in Sports
0
Buhain at Monsour sa TOPS ‘Usapang Sports’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ISYU sa paghahanda sa 30th Southeast Asian Games at ang kaganapan sa swimming community ang tampok na paksa sa unang edisyon ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ para sa taong 2019 ngayon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

eric-buhain

Inaasahang magbibigay nang update sa programa ng bansa para sa ikaapat na pagkakataon na maging host ng biennial meet sina 2019 SEAG chef de mission Monsour del Rosario, at SEAG organizing committee executive director Tom Carrasco. Host ang bansa ng SEAG sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Nakatakda namang magbigay ng kanilang saloobin at pananaw sa mga kaganapan sa swimming community sina 1991 SEAG six-gold medal winner at Olympian Eric Buhain at Ral Rosario.

Nakatakda ang programa ganap na 10:00 ng umaga.

Sina Del Rosario, Buhain at Rosario – pawang outstanding athletes sa kanilang kapanahunan – aypawang modelo na ginagamit na sukatan ng mga batang atleta.

Tinaguriang “Mr. Taekwondo” si Del Rosario, humakot ng medalya sa SEA Games, Asian Games at World Championships bilang miyembro ng Philippine Team (1982-89).

Nakatatak sa kasaysayan ng bansa si Buhain sa pamosong “Miracle of ’91” kung saan humakot siya ng record na anim na gintong medalya para sandigan ang Team Philippines sa matagumpay na 91 gintong medalyang napagwagihan.

Dalawang ulit ding siyang naging bahagi ng Olympic Team at noong 2001 at itinalaga ng Pangulong Macapagal-Arroyo bilang Chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at sa Games and Amusement oiard (GAB) noong 2005.

Bahagi naman si Rosario sa PSC Hall of Fame awardees (2016). Nagwagi siya ng gintong medalya sa 1978 Bangkok Asian Games at kinatawan ang bansa sa Munich (1972) at Montreal (1976) Olympics.

Bukas ang programa para sa lahat at hinihiling ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga opisyal at miyembro na makiisa sa talakayan.

Tags: Philippine Sports Commission
Previous Post

Luis napaiyak sa pagbabu ng ‘ICSYV’

Next Post

NU vs Ateneo sa UAAP Jrs.

Next Post

NU vs Ateneo sa UAAP Jrs.

Broom Broom Balita

  • Binatilyo, patay nang malunod sa isang ilog sa Caloocan
  • ₱2,000 buwanang subsidiya para sa mga magulang ng CWD, isinusulong
  • Sen. Cynthia Villar, naghain ng panukalang batas para protektahan ang Panaon Island
  • ‘For the love of nature!’ Environment-inspired na obra ng isang estudyante, hinangaan
  • 7 panukalang batas vs teenage pregnancy, pasado na sa House committee level
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.