• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Volleyball

Bedan spikers, magpapa katatag sa Season 81

Balita Online by Balita Online
December 6, 2018
in Volleyball
0
Volleyball | Pixabay default
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Center)
8:30 n.u. — EAC vs San Beda (j/m/w)
2:00 n.h. — San Sebastian vs. Arellano (w/m/j)

MANATILI sa solong pamumuno ang tatangkain ng San Beda University habang mag-aagawan sa solong ikalawang puwesto ang San Sebastian College at reigning titlist Arellano University sa pagpapatuloy ng aksiyon sa women’s division ng NCAA Season 94 Volleyball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nag-iisa sa ibabaw ang Lady Red Spikers sa kasalukuyan taglay ang malinis na markang 3-0, kasunod ang Lady Stags at Lady Chiefs na may parehas na kartadang 2-0.

Unang sasabak at pinapaborang makamit ang pang-4 na sunod nilang panalo ang San Beda kontra Emilio Aguinaldo College Lady Generals ganap na ika-12 ng tanghali pagkatapos ng tapatan ng kani-kanilang mga juniors at men’s squads na magsisimula ng 8:30 at 10:00 ng umaga, ayon sa pagkakasunod.

Gaya ng dati, inaasahang mangunguna para sa hangad ng San Beda na pang-apat na dikit na panalo sina Nieza Viray at Cesca Racraquin.

Matinding bakbakan naman ang aantabayanan sa tapatan ng Arellano at San Sebastian na mag-uunahang makatatlong sunod na panalo sa kanilang duwelo ganap na 2:00 ng hapon.

Sisikapin ng Lady Stags na bumawi sa ginawang pagwawalis sa kanila ng Lady Chiefs sa nakalipas na season habang magtatangka naman ang Arellano na patuloy na makaagapay sa San Beda sa liderato.

Samantala, sa huling dalawang laban, magtutunggali naman ang kanilang men’s at juniors squads ganap na 3:30 at 5:00 ng hapon ayon sa pagkakasunod.

Tatangkain ng Braves(3-0) na masolo ang pamumuno sa juniors kung saan kasalo nila sa kasalukuyan ang University of Perpetual Help habang manatili sa ikalawang posisyon sa men’s side ang hangad ng Chiefs (2-1) sa pagsagupa nila sa Stags(1-1).

-Marivic Awitan

Tags: NCAA Season 94 Volleyball Tournament
Previous Post

John Hay, wagi sa Fil-Am Super Seniors

Next Post

Jericho, na-dengue

Next Post
Jericho, na-dengue

Jericho, na-dengue

Broom Broom Balita

  • Japan, pinupuntirya na! ‘Betty’ lumabas na ng bansa
  • Iba pang hosts ng Eat Bulaga, kumalas na rin sa TAPE, Inc.
  • OCTA: NCR Covid-19 positivity rate, bumaba pa sa 19.9%
  • TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ
  • Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

Japan, pinupuntirya na! ‘Betty’ lumabas na ng bansa

June 1, 2023
Iba pang hosts ng Eat Bulaga, kumalas na rin sa TAPE, Inc.

Iba pang hosts ng Eat Bulaga, kumalas na rin sa TAPE, Inc.

June 1, 2023
‘Pinas, low risk na sa COVID-19 transmission

OCTA: NCR Covid-19 positivity rate, bumaba pa sa 19.9%

June 1, 2023
TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ

TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ

June 1, 2023
Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo

Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo

June 1, 2023
Coast guard drills, isasagawa ng PH, US, Japan sa Bataan

Coast guard drills, isasagawa ng PH, US, Japan sa Bataan

June 1, 2023
Mahigit 400 estudyante sa Mandaluyong, nagsipagtapos ng tech-voc training

Mahigit 400 estudyante sa Mandaluyong, nagsipagtapos ng tech-voc training

June 1, 2023
Unemployment rate sa bansa, tumaas sa 4.8% nitong Enero – PSA

45% ng mga Pinoy, naniniwalang bubuti kanilang buhay sa susunod na 12 buwan – SWS

June 1, 2023
Toni Gonzaga, nagpakita ng suporta sa TVJ, Eat Bulaga

Toni Gonzaga, nagpakita ng suporta sa TVJ, Eat Bulaga

June 1, 2023
PRC, namahagi ng personal hygiene products sa elderly patients ng NCMH

PRC, namahagi ng personal hygiene products sa elderly patients ng NCMH

June 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.