• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon SENTIDO KOMUN

Tanikala ng girian

Balita Online by Balita Online
November 23, 2018
in SENTIDO KOMUN
0
Tanikala ng girian
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ANUMAN ang sabihin ng sinuman, ang pagtungo ni Chairman Al Hadj Murad Ebrahim ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Camp Aguinaldo sa Quezon City ay mistulang lumagot sa tanikala ng girian, wika nga, na nagiging balakid sa pagtatamo ng kapayapaan sa Mindanao – at sa ating bansa sa kabuaan. Isipin na lamang na ang pinakamataas na lider ng naturang grupo ay yumapak, sa kauna-unahang pagkakataon, sa teritoryo ng mga sundalo na laging nakakasagupa ng noon ay tinaguriang mga rebeldeng Muslim; labanan ng mga kapwa Pilipino na nagiging dahilan ng pagdanak ng dugo.

Ang makasaysayang pagbisita ni Murad sa Armed Forces of the Philippines (AFP) headquarters– at ng kanyang pakikipagkita kay AFP Chief of Staff Carlito Galvez, Jr. – ay marapat lamang tularan ng iba pang mga grupo na hanggang ngayon ay naghahasik pa ng mga panliligalig sa mga komunidad. Walang katapusang paghikayat ang kailangan upang ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Maute Group at iba pa ay makiisa na sa mga adhikain ng MILF. Panahon na upang talikuran nila ang malagim na pakikidigma sa mga tropa ng pamahalaan na walang ibang pakay kundi pangalagaan ang katahimikan ng sambayanan.

Kung hindi ako nagkakamali, si Chairman Nur Misuari ng Moro National Liberation Front (MNLF) ay paulit-ulit na ring nakipagkita kay Pangulong Duterte upang ipahayag ang kanyang pagsuporta sa mga pagsisikap na matamo ang tinatawag na lasting peace sa kapuluan. Nakalulungkot nga lamang na may mga pagkakataon na ang minsan ding tinaguriang mga MNLF rebels – kabilang na ang ilang miyembro ng MILF, BIFF at iba pa– ay nadadawit pa rin sa karumal-dumal na mga krimen na tulad ng kidnap-for-ransom at iba pa. Malimit na naiipit sa ganitong mga anyo ng kriminalidad ang mismong mga sibilyan na tahimik lamang na namumuhay.

Panahon na rin upang makipagdaupang-palad ang tinagurian ding mga Communist rebels na deka-dekada na ring nakikidigma sa mga tropa ng gobyerno. Marapat lamang samantalahin ng mga lider ng Communist Party of the Philippines / National Democratic Front / New People’s Army (CPP / NDF / NPA) ang mistulang pakikipagyakapan sa kanila ng Duterte administration. Isang magandang palatandaan ang pahayag ng Malacañang, na sina Luis Jalandoni at Fidel Agcaoli ay hindi aarestuhin sa kanilang pag-uwi sa bansa para sa isang informal peace talks.

Sa pagpapamalas ng gayong mga pagsisikap, kailangan ding magpamalas ng katapatan ang naturang mga grupo – Muslim rebels, Communist groups at ang mismong gobyerno –sa pagbalangkas ng makatotohanang mga kasunduan; katapatang walang kaakibat na pagkukunwari at pagtataksil upang matamo ang tunay na pangmatagalang kapayapaan; upang tuluyang malagot ang tanikala ng girian na nagbubunga ng patayan ng kapwa mga Pilipino.

-Celo Lagmay

Tags: armed forces of the philippinescommunist party of the philippinesmoro islamic liberation frontmoro national liberation frontnational democratic front
Previous Post

Masungi Georeserve, ‘global model for conservation’

Next Post

Miyembro ng Dawlah Islamiyah, napatay

Next Post

Miyembro ng Dawlah Islamiyah, napatay

Broom Broom Balita

  • Marcos, lumipad na pa-Japan
  • Neri sa birthday ni Chito Miranda: ‘Because of you, mas masarap mangarap’
  • Toni Fowler, artista na; gaganap na best friend ni Lovi Poe sa ‘Batang Quiapo’
  • 47-anyos na lalaki, arestado dahil sa pag-iingat ng mga hindi lisensyadong baril, pampasabog
  • Lacuna: 935 estudyante ng public schools, nabigyan ng tig-P5K ayuda
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.