• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Reporma sa DFA, maraming nakikinabang

Balita Online by Balita Online
November 12, 2018
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Idinaan ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa social media ang pagpapahayag ng papuri sa mga repormang ipinatupad ng hinalinhan niyang si dating Secretary Alan Peter Cayetano sa kagawaran.

Sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano, sinabi ni Locsin na napahusay ang pagpoproseso ng passport, pati na rin ang mga serbisyo at tulong na ipinagkakaloob sa mga overseas Filipino worker (OFW).

“A lot of the front line work done by DFA so well is done by contractuals like passports which Alan did so much to improve,” tweet kamakailan ni Locsin.

Sa kasalukuyan, napaikli ang paghihintay sa pagre-release ng pasaporte sa anim na araw na lang, bukod pa ang pagpapabuti sa kapasidad ng DFA na tumanggap ng bugso ng mga aplikante.

Ipinatutupad na rin ang e-payment scheme at binuksan ang mahigit 10,000 slots simula 12:00 ng tanghali hanggang 9:00 ng gabi, Lunes hanggang Sabado, maliban kung holidays.

Inilunsad din ang Passport on Wheels (POW), na ipinakalat sa 201 lokasyon hanggang nitong Setyembre 19, at napagsilbihan ang mahigit 200,000 aplikante.

Binuksan din ang tatlong consular office sa Ilocos Norte, Isabela at Laguna. Meron pang ibang consular office na bubuksan, bago matapos ang taon, sa Bulacan, Cavite, Rizal, Davao del Norte, Misamis Occidental, at Tarlac.

Sa panahon ni Cayetano, sinagot ng DFA ang mga airline tickets, exit fines at iba pang penalties ng mga napapauwing OFWs, na binibigyan din ng tulong pinansiyal.

Tags: alan peter cayetanomisamis occidentaloverseas filipino worker
Previous Post

P500 food voucher, giit ng labor groups

Next Post

Ano ang lamang ni Maymay sa ibang artista?

Next Post
Ano ang lamang ni Maymay sa ibang artista?

Ano ang lamang ni Maymay sa ibang artista?

Broom Broom Balita

  • Mayor Isko, nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall
  • MMDA, masusing minomonitor ang sitwasyon ng trapiko sa pagsasara ng Timog Flyover
  • Vice Ganda, pinag-shopping ang anak ni Ethel Booba; ‘sky is the limit’ ang peg
  • 2 ‘miyembro’ ng akyat-bahay gang, timbog; mahigit ₱108K na pera, nabawi
  • Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela
Mayor Isko, nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall

Mayor Isko, nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall

June 27, 2022
MMDA, masusing minomonitor ang sitwasyon ng trapiko sa pagsasara ng Timog Flyover

MMDA, masusing minomonitor ang sitwasyon ng trapiko sa pagsasara ng Timog Flyover

June 27, 2022
Vice Ganda, pinag-shopping ang anak ni Ethel Booba; ‘sky is the limit’ ang peg

Vice Ganda, pinag-shopping ang anak ni Ethel Booba; ‘sky is the limit’ ang peg

June 27, 2022
2 ‘miyembro’ ng akyat-bahay gang, timbog; mahigit ₱108K na pera, nabawi

2 ‘miyembro’ ng akyat-bahay gang, timbog; mahigit ₱108K na pera, nabawi

June 27, 2022
Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela

Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela

June 27, 2022
Marjorie, magsasalita sa takdang panahon; mga anak, bakit nga ba dinededma si Dennis?

Marjorie, magsasalita sa takdang panahon; mga anak, bakit nga ba dinededma si Dennis?

June 27, 2022
Tuesday Vargas, inalala ang mga pinagdaanan: ‘Dati kapag namimili ako, nagdadala ako ng calculator’

Tuesday Vargas, inalala ang mga pinagdaanan: ‘Dati kapag namimili ako, nagdadala ako ng calculator’

June 27, 2022
Rica, ibinahagi ang sagot ng panganay na anak noon kapag nakaharap si outgoing VP Leni

Rica, ibinahagi ang sagot ng panganay na anak noon kapag nakaharap si outgoing VP Leni

June 27, 2022
Lahar flow, naitala sa Mt. Bulusan — Phivolcs

Lahar flow, naitala sa Mt. Bulusan — Phivolcs

June 27, 2022
Outgoing VP Leni kay Sen. Risa: ‘Ikaw na ang lider namin!’

Outgoing VP Leni kay Sen. Risa: ‘Ikaw na ang lider namin!’

June 27, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.