• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Maine, namutla sa unang shooting

Balita Online by Balita Online
November 9, 2018
in Showbiz atbp.
0
Maine, namutla sa unang shooting
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

PARANG nagsu-shooting ng pelikula ang grupo ng sitcom na Daddy’s Gurl, na produced ng M-Zet Productions for GMA Network.

Vic & Maine

“Para naman something new,” sabi ni Bossing Vic Sotto, as Barak Otogon, ang bida ng sitcom. “Hindi iyong lagi na lamang nasa studio. Kaya nang i-conceptualize namin ang project, pinag-usapan na namin ni Direk Chris Martinez na style pelikula na ang gagawin namin, shooting, editing, lighting. Kumuha kami ng location na medyo mas maluwag, para naman tanggal-pagod kahit maghapon kaming mag-taping.”

Totoo naman, dahil kumuha sila ng isang floor ng building na nandoon na lahat ng gagawing eksena, sa condominium unit, sa opisina, at siyempre, air-conditioned ang place of work nila.

Ayon kay Maine Mendoza, na gumaganap na anak niya sa sitcom, si Visitacion “Stacy” Otogon, siya raw ang nag-isip ng concept na iyon.

“Nakita ko na kasing ready na si Maine to do a sitcom, nakikita ko kasi na may flair siya sa comedy, marunong siya ng timing. At nang i-offer ko sa kanya, sabi ko ang production ko ang involved. Nagustuhan naman niya at tinanggap ang offer ko. Once a week lang kami kung mag-taping,” kuwento pa ni Bossing.

“Sa ilang beses na naming pagte-taping, nakita kong Maine is enjoying it. Hindi tulad noong una siyang nag-appear sa Eat Bulaga, na sino ba naman ang hindi mabibigla na nandun na siya. At nang makasama si Alden (Richards), the rest is history na.

“Pero ganyan din siya noong una kaming gumawa ng movie, ang My Bebe Love. Nang una siyang sumalang sa shooting, namutla siya, hindi maipinta ang mukha, pero ngayon sabi ko nga she’s enjoying it. Mas seryoso na siya at comfortable na sa paligid niya.

“Siguro nakatulong din na lagi kaming mag-tatay sa lahat ng movie na ginawa namin, kahit sa TV, at ngayon dito sa sitcom namin. At sa movie namin na entry sa Metro Manila Film Festival na Jack Em Popoy: The Pulisincredibles, mag-tatay din kami.

“Magpipirmahan na kaming laging mag-ama sa lahat ng projects na gagawin namin,” biro pa ni Bossing.

Binati namin si Bossing Vic dahil araw ng taping nila ay first birthday ng baby girl nila ni Pauleen Luna, si Talitha Maria. Pero may trabaho rin si Pauleen na guest co-host ni Helen Gamboa sa From Helen’s Kitchen, ng Cignal TV, at isinama ni Pauleen si Tali.

“Nalaman ko nga na nagkaroon ng small birthday party si Tali dahil naghanda si Helen. May balloons, cake at food. May dumating ding mga apo namin at si Tito Sen (Senate President Tito Sotto). Guests nga ni Helen sina Ai Ai delas Alas at Lorna Tolentino. Pero sa Sunday ang celebration namin ng birthday, simple lang, para nandoon ang buong family and closed friends namin.”

Nagpasalamat si Bossing sa lahat ng mga sumusubaybay sa kanilang sitcom, na napapanood every Saturday, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7, dahil patuloy ang mataas na rating nito. Nagte-trending pa ito sa Twitter nationwide and worldwide.

Special guests nila sa episode sina Martin del Rosario, Jak Roberto, at Kiko Estrada

-NORA V. CALDERON

Tags: Jack Em PopoyMainevic sotto
Previous Post

5 sa 10 Pinoy, OK sa drug test sa pupils

Next Post

Tambalan ng PSC-DepEd sa sports

Next Post
Tambalan ng PSC-DepEd sa sports

Tambalan ng PSC-DepEd sa sports

Broom Broom Balita

  • Publiko, pinag-iingat ng DOH sa mga patok at matatamis na inumin ngayong tag-init
  • ICC, ibinasura ang apela ng ‘Pinas na suspendihin ang imbestigasyon sa drug war
  • Nawawalang teacher intern sa Catbalogan, natagpuang buhay matapos ang 5 araw na paghahanap
  • DOH: Tiyakin ang wastong paghahanda ng pagkain, inumin, ngayong tag-init
  • 2 babaeng parak, pinuri matapos tanggihan ang P100,000 tangkang panunuhol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.