• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

ASTIG PA!

Balita Online by Balita Online
November 1, 2018
in Basketball
0
ASTIG PA!

AbadHALOS nakahiga na sa ere si Derrick Rose para makaiskor sa depensa ng Utah Jazz. (AP)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

D-Rose, kumubra ng 50 puntos; Warriors, Lakers, nakaungos

MINNEAPOLIS (AP) – Sa mga nagsasabing laos na si Derrick Rose, may pagkakataong pang magbago ang inyong panananaw.

AbadHALOS nakahiga na sa ere si Derrick Rose para makaiskor sa depensa ng Utah Jazz. (AP)
AbadHALOS nakahiga na sa ere si Derrick Rose para makaiskor sa depensa ng Utah Jazz. (AP)

Mistulang nasa kanyang kabataan ang one-time MVP sa naisalansan na career-high 50 puntos para sandigan ang Minnesota Timberwolves kontra sa Utah Jazz, 128-125, nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

Mangiyak-ngiyak si Rose habang nililisan ang court sa saliw ng hiyawang MVP, MVP, MVP mula sa crowd. Mistulang nasa ‘twilight zone’ na ang career ng 30-anyos at dating Chicago Bulls star bunsod nang iba’t ibang injury matapos mapagwagihan ang MVP awards a noong 2011.

Naitumpok niya ang 34 puntos sa second half at humataw ng 15 puntos sa final period para maisalba ng Wolves ang matikas na ratsada ng Jazz. Nailagay niya sa ligtas na katayuan ang Wolves nang maibuslo ang pahirapang tira may 30 segundo ang nalalabi at sinundan ng dalawang free throw sa huling 13.8 segundo.

Matibay na depensa ang inilatag ng Wolves, sapat para mapasablay ang tira ni Rudy Gobert sa krusyal na sandali

Naglaro bilang starter sa unang pagkakataon ngayong season, nailista ni Rose ang 19 puntos sa third quarter para maibigay ang limang puntos na bentahe sa Wolves. Kumubra si Karl-Anthony Towns ng 28 puntos sa naturang period.

Nanguna si Donovan Mitchell sa Jazz sa naiskor na 26 puntos, habang kumana si Gobert ng 22 at umiskor si Jae Crowder ng 18 puntos.

Sumabak ang Minnesota na wala sina All-Star Jimmy Butler, at point guards Jeff Teague at Tyus Jones bunsod ng injury.

WARRIORS 131, PELICANS 121

Sa Oakland, California — Naitala ni Stephen Curry ang 37 puntos – ikaanim na 30 plus points ngayong season — sa magaan na panalo ng Golden State Warriors kontra New Orleans Pelicans para sa ikaanim na sunod na panalo.

Naisalpak ni Curry ang pitong three-pointer at may siyam na assists, habang kumana si Kevin Durant ng 24 puntos at walong assists, at kumubra si Draymond Green ng 16 puntos, 15 assists.

Nanguna si Anthony Davis, nagbalik laro matapos ang dalawang larong pagliban bunsod ng injury sa kanang siko, sa naiskor na 17 puntos , 12 rebounds at pitong assists.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 18 puntos, kabilang ang isang three-pointer. Laban sa Chicago Bulls nitong Martes, naitala niya ag NBA record na 14 three-pointer para sa kabuuang 52 puntos.

LAKERS 114, MAVS 113

Sa Los Angeles, naisalpak ni LeBron James ang 29 puntos, tampok ang isang free-throw may 2.1 segundo ang nalalabi para maisalba ang Lakers kontra Dallas Mavericks.

Tangan ng Lakers ang 111-98 bentahe may 3:42 sa laro nang magbaba ang Mavericks ng 15-2 run, tampok ang jumper ni Luca Doncic para maitabla ang iskor sa 113-all.

Sa sumunod na play, nakakuha ng foul si James mula kay Wesley Matthews para sa charity shooting. Mintis ang unang tira ni James bago naisalpak ang pressured-packed second free para maitakas ang Lakers (3-5) at putulin ang two-game skid.

Nag-ambag si JaVale McGee ng 16 puntos at 15 rebounds, habang kumana si Kyle Kuzma ng 18 punto sa Lakers.

Sa iba pang mga laro, pinadilim ng San Antonio Spurs, sa pangunguna ni DeMar DeRozan na may 25 puntos, ang Phoenix Suns, 120-90, ginapi ng Denver Buggets ang Chicago Bulls, 108-107, sa overtime; habang pinadapa ng Indiana Pacers ang New York Knicks, 107-101.

Previous Post

 Brexit seselyuhan sa Nobyembre 21

Next Post

 NoKor: Sexual abuse kababaihan talamak

Next Post
US, France, Germany sinisi ang Russia sa spy attack

 NoKor: Sexual abuse kababaihan talamak

Broom Broom Balita

  • Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos
  • Barry Gutierrez, nagpasalamat sa mahigit 15 milyong bumoto kay Vice President Leni Robredo
  • ‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon
  • Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay
  • Pokwang, K Brosas, tanggap na ang bagong admin, pero proud na bumoto sa Leni-Kiko tandem
Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos

Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos

May 26, 2022
Robredo spox Barry Gutierrez, kinuwestiyon ang Marawi rehab: ‘Apat na taon na, hindi pa rin tapos’

Barry Gutierrez, nagpasalamat sa mahigit 15 milyong bumoto kay Vice President Leni Robredo

May 26, 2022
‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon

‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon

May 26, 2022
Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay

Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay

May 26, 2022
Pokwang, K Brosas, tanggap na ang bagong admin, pero proud na bumoto sa Leni-Kiko tandem

Pokwang, K Brosas, tanggap na ang bagong admin, pero proud na bumoto sa Leni-Kiko tandem

May 26, 2022
Miss Trans Global 2020, tanggap na ang resulta ng halalan, pero titindig pa rin bilang Kakampink

Miss Trans Global 2020, tanggap na ang resulta ng halalan, pero titindig pa rin bilang Kakampink

May 26, 2022
Mayor Isko: Bago at modernong Manila Zoo, matatapos na ngayong taon

Habang libre pa ang entrance: Domagoso, hinihikayat ang publiko na bumisita sa Manila Zoo

May 26, 2022
Operasyon ng LRT-1, suspendido sa Enero 30

DOTr: LRT-1, wala pa ring taas-pasahe

May 26, 2022
Susan Roces, inihatid na sa huling hantungan; itinabi sa puntod ni Da King

Susan Roces, inihatid na sa huling hantungan; itinabi sa puntod ni Da King

May 26, 2022
Sara Duterte: Ang pangatlong babae na manunungkulan bilang Bise Presidente sa kasaysayan ng Pilipinas

Sara Duterte: Ang pangatlong babae na manunungkulan bilang Bise Presidente sa kasaysayan ng Pilipinas

May 26, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.