NAGBABADYA nang hindi magandang panimula ang pelikulang Darna, na itinuturing ng pinalitang si Direk Erik Matti na “very personal film”. Creative differences ang sinasabing dahilan kaya hindi na itinuloy ni Direk Erik ang pagdidirehe ng proyekto.
Ang ipinalit na direktor ay si Jerrold Tarog, na kinilala ang husay sa mga blockbuster na historical epics na Heneral Luna at Goyo: Ang Batang Heneral.
Reaksiyon ng ilang netizens: “Darna falls under the fantasy category while Jerrold style ay historical. May pressure kay Direk dahil mataas ang expectations ng marami sa pelikula. And sorry to say, Liza Soberano is not the best representation of Darna.”
Sa ilalim ng direksiyo ni Direkl Jerrold, lilipad na bang talaga si Darna? Naiinip na ang mga ahas ni Valentina.
Kung ang film reviewer na si Mario Bautista ang tatanungin ay preferred niya na lady director ang gumawa ng Darna, tulad ng ginawa ng mga producers ng Wonder Woman nang kunin ang services ni Patty Jenkins for the superhero role.
May punto si Mario, but then tingnan natin kung paano haharapin ni Direk Jerrold ang malaking hamon ng Darna.
-REMY UMEREZ