• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Gabbi, nanigas sa set

Balita Online by Balita Online
September 28, 2018
in Showbiz atbp.
0
Gabbi, nanigas sa set
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

TAWA nang tawa ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia nang tanungin kung totoo ang chika na nanigas siya sa first taping day ng bagong primetime dramedy nilang Pamilya Roces ng GMA Network, na idinidirek ni Joel Lamangan.

Gabbi copy

“Opo, first time nangyari iyon sa akin,” sagot ni Gabbi. “Siguro po, inunahan ako ng takot nang malaman kong si Direk Joel ang magha-handle sa amin, nagtanong-tanong na ako sa mga kakilala ko. First time ko kasi siyang magiging director at nababalitaan ko nang very strict siya pagdating sa trabaho.

“Sabi nila, hindi raw dapat mali-late sa set, iyon ang hate na hate niya, dapat memorize mo na rin ang lines mo at ready ka na ‘pag simula na ng eksena. Ready naman po ako nang dumating sa set, pero naunahan nga po ako ng takot na baka magkamali ako. But thank God, wala namang nangyari sa kinatatakutan ko, pagtawag sa akin ni Direk Joel at pagbigay ng instructions, ready na ako. Maayos naman akong nakaraos that first taping day, at sa mga sumunod na araw, okey na ako. Lagi po lamang kaming naghihintay sa tent kapag kailangan na kami, at nakakatuwa, dahil ang dami namin sa cast, may time kaming magpahinga kung hindi pa kami ang kukunan sa eksena.”

Nakita naming maayos ang pagti-taping ng cast dahil mayaman ang character ng head ng Pamilya Roces na si Rodolfo Roces played by Roi Vinson, gamit nilang location ang King’s Royale Promenade Hotel & Resort sa Bacolor, Pampanga, kaya air-conditioned ang set nila.

Sa story, si Gabbi ay si Jade Roces, ang outspoken at palaban na anak ni Rodolfo Roces, marami siyang hugot sa buhay.

Kumusta naman ang mga bago niyang katrabahong Kapuso stars?

“No problem naman po sa akin, I’m willing to work naman with anyone. Si Manolo (Pedrosa) una kong na-meet noong look test namin for the serye, he’s very approachable. Si Sophie Albert, akala namin ay tahimik lamang pero nang umaacting na siya, nagulat kami kasi iba ang character niya, matatawa kayo sa kanya. Si Jasmine Curtis Smith, super okey. Magkasama kami sa standby area at pareho ang circle of friends namin outside GMA. Maganda nga po kasi in my three to four years ko sa GMA, madalas ay si Ruru (Madrid) lamang ang katrabaho ko, ang leading man ko. Ngayon nagkaroon na ako ng chance na makatrabaho sina Kiko Estrda, Juancho Trivino at ngayon si Manolo.”

Paano ang GabRu fans nila ni Ruru na naghihintay pa rin ng muli nilang pagtatambal?

“I guess naiintindihan po naman nila what’s happening now, na dapat kaming mag-work with other stars naman, mag-explore at palagay ko naman, susuportahan pa rin nila kami ni Ruru kahit hindi kami magkasama sa isang project. At nagpapasalamat po ako sa kanilang lahat.”

Ang Pamilya Roces ay mapapanood na simula Oktubre 8, papalitan nila ang romcom na Inday Will Always Love You nina Barbie Forteza, Derrick Monasterio at Ruru Madrid.

-NORA V. CALDERON

Tags: Gabbi Garcia
Previous Post

UP, La Salle kabilang sa top universities sa mundo

Next Post

Last 2 weeks ng ‘IWALY’, kaabang-abang

Next Post
Last 2 weeks ng ‘IWALY’, kaabang-abang

Last 2 weeks ng 'IWALY', kaabang-abang

Broom Broom Balita

  • Cleanup drive sa nasunog na palengke sa Baguio, natapos sa loob ng 7 araw; manininda, balik-operasyon na
  • Higit ₱400.7M shabu mula Africa, nasabat sa Pasay City
  • Unbothered queen? Nadine Lustre, naglabas ng isang ‘raw’ vlog sa gitna ng James-Issa issue
  • Pag-expel kay Rep. Teves, nakasalalay sa Kamara – Sec. Remulla
  • Lalaki, timbog sa umano’y panggahasa sa QC
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.