• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Frank Parker, pumanaw

Balita Online by Balita Online
September 27, 2018
in Showbiz atbp.
0
Frank Parker, pumanaw
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NAGDADALAMHATI ang soap opera community sa pagpanaw ng aktor na si Frank Parker.

Frank copy

Binawian ng buhay si Frank – na kilala para sa kanyang pagganap sa karakter ni Grandpa Shawn Brady sa Days of Our Lives —sa Vacaville, California noong Setyembre Seyembre 16, dahil sa Parkinson’s disease at dementia, ayon sa kanyang obituary sa The Reporter. Siya ay 79 taong gulang.

Ayon sa PEOPLE, Tumagal ang acting career ni Frank ng limang dekada.

Una siyang pumasok sa industriya noong 60’s at 70’s, at lumabas sa mga pelikula at show sa telebisyon – kabilang ang mga soap opera na General Hospital at The Young and the Restless — bago niya nakuha ang role ni Shawn Brady sa Days noong 1983.

Nanatili ang aktor sa daytime drama sa loob ng 25 taon. Nagretiro siya sa pag-aret noong 2008 makaraang mamatay ng kanyang karakter sa nang ibinigay nito ang suot na oxygen mask sa anak para isalba sa isang airplane hijacking.

Noong mga panahong iyon ay naiiulat na nagsisimula nang lumamlam ng kalusugan ni Frank, kaya nagdesisyon siyang tapusin na ang karera sa showbiz.

Sa kanyang obituwaryo, na inilatahala rin sa Legacy.com, inilarawan si Frank bilang “a people person who touched many lives and was loved by everyone.”

“He could light up a room with his singing voice and was known to burst into song at any moment,” lahad ng kanyang pamilya. “He was a ham and loved the spotlight. Above all, he was the most supportive, generous, kind man and father. Frank loved his family.”

Inulila ni Frank ang kanyang kambal na anak na sina Danielle Dallas at Lindsay Kyle, na anak nila ng unang asawang si Nola Donelle Rajcok. Ang kanyang panganay na anak na si Candace Donelle, ay pumanaw noong 1998 sa isang car accident.

Inulila rin ng aktor ang kanyang pangalawang asawang si Mary Jean Dunning Garofalo. Nagpakasal ang dalawa noong 2005 at nanirahan sa Vacaville hanggang sa siya ay bawian ng buhay.

Simula nang kumalat ang balita ay maraming fans at kapwa aktor ang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Frank, kabilang sina James Reynolds at Stephen Nichols, “Good man Good actor,” post ni Nichols, na gumanap bilang si Patch sa Days, sa loob ng mahigit 16 na taon. “Best TV pop in law So full of Blarney and Joy! Much love on your Journey.”

Tags: Frank Parker
Previous Post

 Japanese, British warships patungong South China Sea

Next Post

 HIV napipigil ng antibody therapy

Next Post
US, France, Germany sinisi ang Russia sa spy attack

 HIV napipigil ng antibody therapy

Broom Broom Balita

  • ‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod
  • Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak
  • Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate
  • ‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon
‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod

‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod

June 4, 2023
Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

June 4, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

June 4, 2023
Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

June 4, 2023
‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

June 4, 2023
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.