• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Volleyball

Lady Tams, asam ang PVL title

Balita Online by Balita Online
September 12, 2018
in Volleyball
0
Volleyball | Pixabay default
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mga Laro Ngayon

(FilOil Flying V Center)

4:00 n.h. — UST vs Adamson (third place)
6:30 n.g. — UP vs FEU (championship)

MAY problemang kinakaharap ang Far Eastern University na posible namang maging malaking tulong para sa katunggaling University of the Philippines upang maangkin ang pinapangarap na titulo ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference Season 2.

May duda kung makakalaro para sa Lady Tamaraws sa Game 2 na magsisimula ng 6:30 ng gabi sa Filoil Flying V Center si reigning UAAP Best Middle Blocker at isa sa kanilang mga top hitter na si Celine Domingo na sinamang palad na magtamo ng injury sa kanang tuhod sa fifth set ng kanilang 25-14, 25-22, 24-26, 18-25, 5-15 kabiguan noong Linggo sa Lady Maroons.

Ayon sa team physical therapist na si Marilou Regidor, hindi naman major injury ang nangyari at kailangan lamang ingatan ang kanyang galaw dahil may mga kilos siyang nakakaapekto sa kanyang plica syndrome sa tuhod.

Anuman ang mangyari, handa naman ang Lady Tamaraws na lumaban ayon kay playmaker Kyle Negrito.

“Kung hindi siya (Domingo) makakalaro, kahit sinong ipasok ay kailangang handang maglaro.Hindi kailangang pantayan nila yung effort ni Celine basta ibigay lang nila ang kanilang makakayanan at gawin yung dapat,” wika ni Negrito.

Bukod kay Negrito, sasandigan din ni coach George Pascua sakaling di makalaro si Domingo upang mamuno para sa FEU sina Jerrili Malabanan, Heather Guino-o at top rookie Lyka Ebon.

Sa kabilang dako, mas naging inspirado dahil sa panalo nila noong Game 1, determinado ang Lady Maroons na makamit ang pinakamimithing unang titulo sa PVL.

Bukod sa kanyang core na pinamumunuan ng mga beteranong sina Isa Molde at Marian Buitre, muling sasandigan ni UP Kenyan coach Godfrey Okumu ang mga fans at supporters ng Lady Maroons na talagang nagsulong sa kanila upang manaig noong Game 1.

-Marivic Awitan

Tags: far eastern universityFiloil Flying V CenterPremier Volleyball Leagueuniversity of the philippines
Previous Post

Leo Awards sa 44th PBA season

Next Post

Walang TRO para kay Trillanes

Next Post

Walang TRO para kay Trillanes

Broom Broom Balita

  • Manila LGU, humakot ng parangal sa Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards
  • Brownlee, Hollis-Jefferson nagkita sa China
  • KD Estrada kay Alexa Ilacad: ‘Will you go to the ABS-CBN Ball with me?’
  • Baron Geisler, walang mabuting alaala sa mga nakaraang ABS-CBN Ball
  • 21 Cardinal, hihirangin ni Pope Francis
Manila LGU, humakot ng parangal sa Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards

Manila LGU, humakot ng parangal sa Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards

September 29, 2023
Brownlee, Hollis-Jefferson nagkita sa China

Brownlee, Hollis-Jefferson nagkita sa China

September 29, 2023
KD Estrada kay Alexa Ilacad: ‘Will you go to the ABS-CBN Ball with me?’

KD Estrada kay Alexa Ilacad: ‘Will you go to the ABS-CBN Ball with me?’

September 29, 2023
Baron Geisler, walang mabuting alaala sa mga nakaraang ABS-CBN Ball

Baron Geisler, walang mabuting alaala sa mga nakaraang ABS-CBN Ball

September 29, 2023
Pari na sangkot sa sexual abuse sa mga menor de edad, sinibak ni Pope Francis

21 Cardinal, hihirangin ni Pope Francis

September 29, 2023
LPA sa silangan ng Central Luzon, ganap nang bagyong ‘Jenny’

LPA sa silangan ng Central Luzon, ganap nang bagyong ‘Jenny’

September 29, 2023
19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

September 29, 2023
Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’

Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’

September 29, 2023
UPLB Dibisyon ng Kasaysayan, umalma nang ilista ang ‘Philippine History’ bilang ‘NPA subject’

UPLB Dibisyon ng Kasaysayan, umalma nang ilista ang ‘Philippine History’ bilang ‘NPA subject’

September 29, 2023
₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

₱650-M confidential funds ng OVP, DepEd ililipat sa security agencies – House leader

September 29, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.