• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Daigdig

Mahigit 1M pinalilikas sa Hurricane Florence

Balita Online by Balita Online
September 11, 2018
in Daigdig
0
US, France, Germany sinisi ang Russia sa spy attack
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

HOLDEN BEACH, N.C. (Reuters) – Lumalakas pa ang Hurricane Florence, ang pinakamalakas na bagyong tatama sa Carolina coast sa loob ng halos tatlong dekada, at naging Category 4 hurricane nitong Lunes, nagbunsod ng paglikas ng mahigit 1 milyong katao sa matataas na lugar.

Sa maximum sustained winds na 140 miles per hour (220 kph), inaasahang lalakas pa ang Florence bago mag-landfall sa Huwebes, sinabi ng National Hurricane Center sa Miami.

Nababahala ang mga awtoridad sa potensiyal ng bagyo na magpakawala ng matagal at malakas na ulan at malawakang pagbaha sa ilang estado, lalo na kapag tumagal ito sa kalupaan sa loob ng ilang araw.

“Florence is expected to be an extremely dangerous major hurricane through Thursday,” sinabi ng NHC sa huling bulletin nito.

Ipinakita ng mapa ang trajectory ng bagyo na pinakamalaki ang tsansang tatama ito sa North Carolina shore malapit sa South Carolina border, at maging pinakamalakas na bagyong nagbabanta sa U.S. mainland ngayong taon, at una sa kanyang magnitude sa loob ng 29 taon na tumama sa Carolinas. Naglabas na ng emergency declarations ang mga governor sa dalawang estado, gayundin sa Virginia at Maryland.

“We are in the bull’s-eye,” ani North Carolina Governor Roy Cooper sa news conference.

Tinaya ni South Carolina Governor Henry McMaster na halos 1 milyong residente ang nasa ilalim ng kautusang lumikas sa coast ng kanyang estado. Iniutos ng North Carolina ang evacuation ng mahigit 50,000 katao mula sa Hatteras at Ocracoke, ang southernmost ng Outer Banks barrier islands nito.

Lumakas si Florence at naging malaking bagyo nitong Lunes ng umaga at muling tumaas sa Category 4 sa five-step Saffir-Simpson scale ng lakas ng bagyo pagsapit ng tanghali sa bilis ng hangin na umaabot sa 130 mph. Pagsapit ng gabi, ang sentro ng bagyo ay nasa 1,170 miles (1,880 km) sa east-southeast ng Cape Fear, North Carolina, ayon sa NHC.

Sinabi ni Virginia emergency operations chief, Jeffrey Stern, sa reporters na dapat maghanda ang mga residente “for something that no one in Virginia has experienced in their lifetimes.”

Ang huling Category 4 na bagyong tumama sa Carolinas ay ang Hugo, na binayo ang Charleston, South Carolina, noong 1989.

Tags: HOLDEN BEACHHurricane FlorenceNational Hurricane Centernorth carolinaSouth Carolina
Previous Post

 Blood test nasusukat ang inner clock

Next Post

 Climate change kailangan aksiyunan sa 2020 –UN

Next Post
US, France, Germany sinisi ang Russia sa spy attack

 Climate change kailangan aksiyunan sa 2020 –UN

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.