• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Dagdag Balita

Hanabishi at GMA Kapuso Foundation, tambalan sa pagbangon ng Marawi

Balita Online by Balita Online
September 4, 2018
in Dagdag Balita
0
Hanabishi at GMA Kapuso Foundation, tambalan sa pagbangon ng Marawi

SENELYUHAN nina (mula sa kaliwa) Hanabishi Vice President for Purchas¬ing and Merchandizing Jevon Ong; Hanabishi Vice President for Finance and Marketing Cherish Ong-Chua; Hanabishi President Jasper Ong; GMAKF Founder and Ambassador Carmela “Mel” Tiangco; at GMAKF EVP at COO Rikki Escudero-Catibog, ang bagong kasunduan para sa rehabilitasyon ng 18 silid-aralan sa Marawi City.

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MULING nakipagtambalan ang Hanabishi — nangungunang manufacturer ng mga home appliance sa Pilipinas – at GMA Kapuso Foundation (GMAKF) para sa Rebuild Marawi Project na naglalayong itayo at ibalik ang 18 silid-aralan ng tatlong mababang paaralan sa Marawi City.

SENELYUHAN nina (mula sa kaliwa) Hanabishi Vice President for Purchas¬ing and Merchandizing Jevon Ong; Hanabishi Vice President for Finance and Marketing Cherish Ong-Chua; Hanabishi President Jasper Ong; GMAKF Founder and Ambassador Carmela “Mel” Tiangco; at GMAKF EVP at COO Rikki Escudero-Catibog, ang bagong kasunduan para sa rehabilitasyon ng 18 silid-aralan sa Marawi City.
SENELYUHAN nina (mula sa kaliwa) Hanabishi Vice President for Purchas¬ing and Merchandizing Jevon Ong; Hanabishi Vice President for Finance and Marketing Cherish Ong-Chua; Hanabishi President Jasper Ong; GMAKF Founder and Ambassador Carmela “Mel” Tiangco; at GMAKF EVP at COO Rikki Escudero-Catibog, ang bagong kasunduan para sa rehabilitasyon ng 18 silid-aralan sa Marawi City.

Magbibigay ang Hanabishi ng mga appliance na nagkakahalaga ng P500,000 tulad ng mga electric fan at water dispenser sa Pendolonan Elementary School, Camp Bagong Amai Pakpak Elementary School at Datu Saber Elementary School.

“Layunin ng Hanabishi na mapagaan ang buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng paggawa ng mga produktong de-kalidad at abot-kaya. Naniniwala kami na kaisa namin ang GMAKF sa hangaring ito kaya naman taos-puso kaming nagpapasalamat dahil palagi at patuloy kaming nakasasama sa mga proyekto nila na nakatuon sa pagtulong sa mga Pilipino saanman sa bansa,” pahayag ni Hanabishi President Jasper Ong.

Unang nakasama ng Hanabishi ang GMAKF sa isang housing project para sa mga biktima ng bagyong Sendong noong 2011. Mula noon, patuloy nang sinuportahan ng Hanabishi ang iba pang mga proyekto ng GMAKF sa loob ng kanilang pitong taong matibay na samahan. Ipinahayag ni GMAKF Executive Vice-President at Chief Operating Officer Rikki Escudero-Catibog ang kanyang pagpapahalaga sa walang-sawang suporta at tapat na kalooban ng Hanabishi.

“Naniniwala ako na epektibong nadadala ng GMA Kapuso Foundation ang Hanabishi brand sa mga komunidad kung saan ito kailangan. Isang magandang halimbawa ang mga benepisyaryong mababang paaralan ng Rebuild Marawi Project. Mahalaga para sa mga kabataan ng Marawi na magkaroon ng mga silid-aralang kaaya-aya para sa pag-aaral. Lubos kaming nagpapasalamat dahil palagi naming naaasahan ang Hanabishi na tumulong sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino,” sambit ni Escudero-Catibog.

Ibinahagi rin ni GMAKF Founder and Ambassador Mel Tiangco ang kanyang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng nangungunang home appliance brand.

“Tunay na malayo na ang narating ng partnership namin ng Hanabishi dahil parehong maigting ang aming pagnanais na matulungan ang bawat Pilipinong nangangailangan. Habang tumitibay ang aming samahan, akin ring hinihiling ang patuloy na pag-unlad ng Hanabishi upang mas marami pa silang matulungan,” pahayag ni Tiangco.

Sa loob ng pitong taon nitong pakikipagtulungan sa GMAKF, nakapagbigay na ang Hanabishi ng mga appliance set sa 200 bahay sa Iligan at 600 bahay sa Tacloban at Leyte, mga appliance para sa Kapuso Village Integrate School sa Tacloban at mga kagamitang nagkakahalagang P1 milyon para sa mga komunidad na nasalanta ng bagyong Yolanda. Ang tatlong mababang paaralan ng Rebuild Marawi Project ay ilan lamang sa mga benepisyaryo ng 100 silid-aralang target ng kampanyang “Kulayan ang Kinabukasan” ng GMAKF na sinusuportahan din ng Hanabishi.

Tags: GMA Kapuso FoundationHanabishiMarawi CityRebuild Marawi Project
Previous Post

Lola tinambangan

Next Post

13 dagdag na STL, aprubado ng PCSO

Next Post

13 dagdag na STL, aprubado ng PCSO

Broom Broom Balita

  • Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics
  • ‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens
  • Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP
  • Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1
  • Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos
Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics

Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics

October 4, 2023
‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

October 4, 2023
Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

October 4, 2023
Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

October 4, 2023
Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

October 4, 2023
Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

October 4, 2023
Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

October 4, 2023
Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: ‘Ang epal mo’

Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: ‘Ang epal mo’

October 4, 2023
Paul Salas, hindi bet ni Mikoy Morales para kay Mikee Quintos

Paul Salas, hindi bet ni Mikoy Morales para kay Mikee Quintos

October 4, 2023
Luis, nakipagbardahan kay Alex: ‘Halatang nangongopya lang sa katabi’

Luis, nakipagbardahan kay Alex: ‘Halatang nangongopya lang sa katabi’

October 4, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.