• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kapamilya child stars, hurado sa ‘The Kids Choice’

Balita Online by Balita Online
September 2, 2018
in Showbiz atbp.
0
Robi, Erik, Chunsa,Onyok, Jayden, Carlo, at Xia

Robi, Erik, Chunsa,Onyok, Jayden, Carlo, at Xia

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter
Robi, Erik, Chunsa,Onyok, Jayden, Carlo, at Xia
Robi, Erik, Chunsa,Onyok, Jayden, Carlo, at Xia

SA nakaraang launching ng bagong reality show na The Kids Choice hosted by Robi Domingo at Erik Nicolas, at pangungunahan ng talented kids ng ABS-CBN na sina Onyok Pineda, Xia Vigor, Jaden Villegas, Carlo Mendoza, at Chunsa Jung ay natanong namin ang business unit head ng programa na si Lui Andrada kung bakit ang mga nabanggit ang napili nila.

“Panoorin mo sa Sabado (kahapon) para malaman mo,” birong sabi ng TV executive.

“Actually, ang gagaling kasi nila. Napanood mo na ba sila before?”

Sa takbo ng Q and A ng The Kids Choice ay talagang napahanga nga kami sa mga sagot nila, hindi naman masasabing scripted dahil iniikot-ikot ang tanong sa limang bata na ibig sabihin ay marunong talaga silang sumagot.

Pati nga ang buong team ni Lui na nakaupo sa isang mesa ay nagugulat sa mga sagot ng mga bata, dahil napapaisip ang mga ito kung saan nanggagaling ang kanilang mga opinyon. 

Mga taklesa ang mga bagets lalo na si Carlo, na talagang nakapagpatawa sa lahat. Ito rin ang dahilan kung bakit dapat naka-tape ang The Kids Choice or else baka ma-MTRCB sila at siyempre hindi rin puwedeng live dahil sa Department of Labor anf Employment (DoLE).

Ang gist ng bagong programa sa kada episode, ay apat na “Fam-bato” ang magpapakita ng iba’t ibang talento at susubukan ng mga itong pabilibin ang kiddie judges upang hirangin silang The Kids’ Choice.

Ngunit bukod sa tagisan ng galing, matutunghayan din ang kuwento ng bawat pamilyang kalahok na siguradong kapupulutan ng aral at inspirasyon ng mga manonood.

Tinanong naming kung ano ba ang hanap ng limang batang hurado sa mga performers para bigyan nila ng mataas na score.

“Sa akin po, ‘yung performances nila ang kailangan nilang dapat ayusin po pati ‘yung props kasi titingnan naming kung bagay po sa kanila at kung okay naman po, e, di bibigyan namin sila ng mataas na score,” say ni Xia.

Sabi naman ni Onyok, “Ang gusto ko po ‘yung parang lahat kami mapapahanga at mapapanganga na hindi na makapaniwala.  Kung ganu’n po ang magagawa nila sa amin, bibigyan po namin sila ng mataas na score.”

Pero medyo mahigpit si Chunsa, “Dahil nga pop o family ‘yung magpe-perform, gusto ko pong makita na nag-e-enjoy sila at wag silang kakabahan, gusto ko po ‘yung kakaibang performance na hindi ko pa nakita sa iba o ginaya sa youtube o sa TV (shows) kasi po sa rami na ng kumanta at nag-magic, gusto ko po fresh naman po, kakaiba.

“Ang hinahanap din po namin ay ang confidence po, facial expressions at saka dito po sa show natin is about family at ang gusto namin ay kung nag-e-enjoy sila sa ginagawa nila, at ‘yung may teamwork at love nila sa isa’t isa, dahil malaking impact po iyon sa aming judges at doon ko ibabase kung anong score ang ibibigay sa kanila.”

Si Carlo naman na tila wala sa sarili, “Kanina tinanong nyo sina Chunsa at Xia, ngayon ako naman. Kagaya rin po ng kay Onyok, kay Xia at Chunsa. Ganu’n na rin.”

Sino ang favorite judge ng limang bata na malakas ang impact sa kanila o kanilang iniidolo?

Sabi ni Carlo, “Si ate Anne (Curtis) po kasi mabait siya sa mga bata at nagbibigay po ng chocolates.” Nagulat ang lahat, saan ba naging hurado ang TV host/actress, giit ni Carlo, “sa Showtime po (Hypebeast).

“Ako po halos lahat ng judge ay gusto ko po dahil nagiging inspirasyon po sila sa akin lalo na ngayong judge na rin ako.  Lahat po ng judge before na adults po o matatanda. Lahat po sila idol ko po,” pahayag naman ni Chunsa.

Si Xia naman, “Favorite ko pong judge is Simon Cowell po. Kasi lagi po akong nanonood ng mga show niya at kung paano po siya maging fair and honest. Tapos lahat po ng artistang favorite ko sa Hollywood, siya po ang nagpasikat kaya gusto ko po ‘yung mga message. Gusto ko pong maging Simon Cowell ng Pilipinas.”

Ang paborito naman ni Onyok… “Sa totoo lang po lahat naman, pero ang pinakagusto ko po, si Kuya Gary V (sa Your Face Sounds Familiar Kids), kasi gusto ko siya mag-comment at magaling din po.”

“Si Kuya Andrew E (I Can See Your Voice/It’s Showtime Hypebeast) kasi po ‘yung pagko-comment niya, sabog po talaga,” sabi ni Jayden.

Marami pang nakakatawang opinyo ang mga batang hurado at mapapaisip ka talaga kung saan ba nila hinuhugot ang kanilang mga sagot.

Kaya mas magandang panoorin na lamang at antabayanan ang The Kids Choice ngayong gabi sa ABS-CBN.

Previous Post

Nag-apply ng trabaho, umuwing kasal

Next Post

Ladon, bumigwas ng silver medal

Next Post
NAKA-SILVER! Itinaas ng pambato ng Pilipinas na si Rogen Ladon ang kanyang mga kamay matapos ang laban niya kay Jasurbek Latipov ng Uzbekistan, sa men’s flyweight boxing final sa 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia, kahapon. Nagwagi si Latipov, habang kumubra ng silver medal si Ladon para sa bansa. (AP/LEE JIN-MAN)

Ladon, bumigwas ng silver medal

Broom Broom Balita

  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
  • Las Piñas, nag-aalok ng libreng konsultasyon sa mata, operasyon sa katarata
  • Suspek sa online estafa, inaresto ng pulisya sa Tarlac
  • Bilang ng nahawaan, tumaas? 819, nagpositibo sa HIV sa QC
  • Paano na ang iniwang kondisyon kay Jak? Barbie Forteza, ‘not so sure’ pa sa pag-aasawa
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.