• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Gastos sa ‘Goyo’, umabot nga ba ng R200M?

Balita Online by Balita Online
September 1, 2018
in Showbiz atbp.
0
Kate nag-sorry sa mga taga-Davao
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NANG mapanood namin ang Goyo: Ang Batang Heneral sa red carpet premiere nitong Huwebes, sa SM Megamall Cinema 9, ay naalala namin ang sinabi ng direktor na si Jerrold Tarog na doble ang nagastos ng TBA Studios, Artikulo Uno at Globe Studios sa pelikulang ito ni Paulo Avelino kumpara sa Heneral Luna ni John Arcilla.

Totoo naman dahil sa production design ng mga location at mga costume ay sobrang gastos na, ang daming artista ang kasama at higit sa lahat, ilang talents ang kinuha para sa Goyo: Ang Batang Heneral? Kaya pala umabot sa 60 days ang shooting dahil sa hirap.

Kung umabot sa P80 milyon ang gastos ng Heneral Luna, ibig sabihin ay nasa 160M ang Goyo o higit pa?

Sinabi kasi ni Direk Quark Henares, ng Globe Studios at isa sa producers, one-fourth lang ang share nila sa Goyo. Pero ang saktong sabi sa amin: “Sobrang laki talaga ng cost, ‘yung share namin na ¼ puwede na akong gumawa ng epic film.”

Eh, magkano ba ang inaabot sa paggawa ng pelikulang epic? Ibig bang sabihin ay umabot sa P200M ang ginastos sa latest movie ni Paulo? At tinatayang nasa P50M ang na-invest ng Globe?

Curious din kami kung magkano naman ang itinaya ni Paulo sa Goyo bilang co-producer.

“Sakto lang, mas malaki pa rin ang TBA,”sabi noon ni Paulo.

So may P25M naman ang share ng aktor, na dahilan kaya nabanggit niya sa kaibigan niya na talaga daw nasaid siya?

Well, kita naman sa pelikula na hindi ito tinipid, at sa mga manonood, sulit na sulit din ang ibabayad ninyo dahil maganda ang visuals ng pelikula, lalo na ang cinematography. Hindi na kami magtataka kung humakot ulit ng award ang Goyo: Ang Batang Heneral mula sa lahat ng award-giving bodies sa 2019.

Going back to Goyo: Ang Batang Heneral, ngayon lang kami nakadalo sa red carpet premiere na ginanap sa apat na sinehan ng SM Megamall. Tatlo lang noong una ang pagpapalabasan ng pelikula, Cinemas 7, 8, 9. Pero idinagdag ang Cinema 11 para ma-accommodate ang lahat ng bisitang inimbita para mapanood ang pelikula.

May tanong pala kami, bakit Bato Sa Buhangin ang theme song ng Goyo? Dahil ba sa batuhan inilibing ang batang heneral habang binabasa ni Remedios (Gwen Zamora) ang huling sulat sa kanya ng kasintahan.

Anyway, walang nabago sa acting ni Paulo bilang Goyo, dahil pareho lang ang acting niya sa mga nauna na niyang pelikula.

Ang galing ni Epy Quizon kahit nakaupo lang siya bilang si Apolinario Mabini.

Mahusay naman si Mon Confiado bilang si Presidente Emilio Aguinaldo, na halos lahat ng pelikulang may kinalaman sa Philippine Republic ay laging masama ang karakter niya.

Dapat sigurong mag-reduce o mag-diet si Benjamin Alves bilang si Manuel L. Quezon dahil malusog siya sa screen.

Ang nagmarka para sa amin ay si Art Acuña, na kahit dalawa lang ang eksena niya na binu-bully niya si Goyo, dahil parang asong tagasunod ni Presidente Aguinaldo, pero walang nagawa ang batang heneral.

Sa kabuuan ng Heneral Luna at Goyo ay lumalabas na isa sa bida si Aaron Villaflor bilang si Joven Hernando, na nagkukuwento ng mga nangyari base sa punto de vista niya.

At heto, buhay siya ulit sa ending ng Goyo. Sa madaling salita, tatawid ulit siya sa Manuel L. Quezon, na 3rd installment ng TBA Studios at Globe Studios.

Mapapanood na ang Goyo: Ang Batang Heneral sa Setyembre 5, sa direksiyon ni Jerrold Tarog.

-REGGEE BONOAN

Tags: Goyo: Ang Batang Heneralpaulo avelino
Previous Post

‘Clash’ contestants, kabado kay Mirriam

Next Post

PVL sweep sa UST at UP?

Next Post
Volleyball | Pixabay default

PVL sweep sa UST at UP?

Broom Broom Balita

  • Willie Revillame, binanatan ang netizens na natutuwa sa nangyayari sa ALLTV
  • DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19
  • Dingdong Dantes, sorpresang binisita ng pamilya sa set ng Family Feud
  • Marawi siege victims, mababayaran na?
  • QC, naglunsad ng dagdag na mental health programs
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.