• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

‘Clash’ contestants, kabado kay Mirriam

Balita Online by Balita Online
September 1, 2018
in Showbiz atbp.
0
‘Clash’ contestants, kabado kay Mirriam
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NGAYONG Saturday, September 1, ay simula na ng paghahanap ng The Clash ng susunod na singing superstar mula sa Top 12 Clashers. Ang mananalo ay tatawaging The Clash Grand Winner.

Mirriam Manalo copy

Ang top 12 clashers ay sina Anthony Rosaldo ng Valenzuela, Mirriam Manalo ng Pampanga, Malbelline Caluag ng Bulacan, at Garrett Bolden ng Olongapo.

Visayas bets naman sina Kyryll Ugdiman ng Iloilo, Lyra Micolob ng Davao, habang mula sa Cebu sina Esterlina Olmedo, Danielle Ozaraga at Golden Canedo.

Sa Mindanao naman nagmula sina Jong Madaliday ng North Cotabato, at Josh Adornado ng Cagayan de Oro.

International Clasher naman si Mika Gorospe mula sa USA.

Sa media conference, natanong ang bawat isa kung bakit sila ang dapat maging The Clash Grand Winner. Sagot nila, dahil sa kani-kanilang kakayahan na gusto naman nilang mai-share sa mga manonood at panahon na para sila makilala.

Sino sa kanilang top 12 clashers ang kinatatakutan nilang makalaban?

May nagsabi na si Anthony Rosaldo ang kinatatakutan nila kasi nga nang muli silang mag-perform isa-isa ay makikitang relax na relax ito sa pagkanta, sanay na sa mga ganoong pa-contest. Mayroon ding kabado kay Esterlina Olmedo, dahil at 51, kayang-kaya pa rin niyang kumanta at gusto ngang matutunan ni Mirriam Manalo kung paano nakakapili ng kakantahin niya si Esterlina.

Pero sa kanilang 12, ang nakakuha ng maraming sagot ay si Mirriam, na kamukha ni Alma Concepcion at ng dating actress na si Shirley Fuentes. Half-German daw ang mommy niya. Pero may lucky charm na si Mirriam, ang four-month old baby na ipinagbubuntis niya ngayon. Hindi pa sila kasal ng boyfriend niya of two and a half years na, rugby player at half-Syrian. Biro namin, ang ganda o ang guwapo siguro ng magiging baby nila.

Hindi na pala bago kay Mirriam ang sumali sa mga contest dahil 18 years old pa lamang siya nang kunin siyang singer ng isang top hotel in China, at kumakanta siya sa mga branches ng hotel sa Guangzhou, Guilin at Shenzhen near Hong Kong.

“Nang mag-join ako ng The Clash hindi pa ako buntis. My boyfriend and I have been trying to have a child since I’m already 26, pero walang nangyayari. Then, when I least expected it dahil nasa competition nga ako, doon Niya ibinigay.

“Pinag-isipan kong mabuti kung itutuloy ko pa ang pagsali ko sa competition dahil maselan ang pagbubuntis ko. ‘Yung first three months, talagang laging masama ang pakiramdam ko, so I took a lot of medicines para kumapit ang baby ko . And now, heto na kami, lucky charm ko ang baby ko at nakapasok ako sa Top 12 Clashers.”

Nagulat man sa pagpili sa kanya, thankful siya and flattered at mas na-inspire daw siya na lalong pagbutihin sa tuwing kakanta sila. Pero nagwi-wish din siya ng success para sa mga kasama niya.

Ngayong gabi, mapapanood ang The Clash after ng Pepito Manaloto at sa Sunday, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

-Nora V. Calderon

Tags: Anthony RosaldoGarrett BoldenMelbelline CaluagMirriam Manalo
Previous Post

Beermen, masasalang kontra NLEX

Next Post

Gastos sa ‘Goyo’, umabot nga ba ng R200M?

Next Post
Kate nag-sorry sa mga taga-Davao

Gastos sa 'Goyo', umabot nga ba ng R200M?

Broom Broom Balita

  • ‘Love wins’: Katrice Kierulf, proud na tawaging girlfriend si Klea Pineda
  • Maguindanao Del Norte, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
  • Panahon ng tag-init, simula na sa bansa – PAGASA
  • Proteksyon laban sa cybercrimes schemes, pinagtibay!
  • LA Tenorio, na-diagnose ng Stage 3 colon cancer
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.