• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Imported galunggong, dadagsa

Balita Online by Balita Online
August 23, 2018
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inaasahan nang darating sa bansa sa unang linggo ng Setyembre ang unang shipment ng imported na galunggong.

Ito ang sinabi kahapon ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol, idinagdag na tatlong bansa ang posibleng pagmulan ng inangkat na galunggong, ang China, Vietnam, at Taiwan.

Aniya, kapwa zero tariff kapag galing sa Vietnam at China, habang mayroon namang limang porsiyentong taripa kapag galing sa Taiwan.

“Tatlo ang pinanggalingan ng imported na galunggong, una Vietnam, China and then Taiwan. Ang Vietnam at China zero tariff ‘yan, ang Taiwan naman, 5% tariff. Ibig sabihin singko porsyento na taripa ang ipapataw. ‘Yung suggestions kasi ng ating mga econimic manager na tanggalin ang tariff, ano pang tatanggalin natin eh zero tariff na nga,” ani Piñol.

Inaasahang makatutulong ang pag-aangkat ng galunggong sa patuloy na pagtaas ng presyo ng naturang isda sa mga pamilihan.

Sa ngayon ay umaabot na sa P140 hanggang P170 ang presyo ng kada kilo ng galunggong.

Samantala, sa gitna ng pagdududa ng ilan na kontaminado umano ng formalin ang ilang imported na galunggong, sinabi ni Piñol na maaari namang idaan sa pagsusuri ang mga nasabing isda na inaangkat sa ibang bansa.

Ito ay para matiyak na hindi kontaminado at ligtas kainin ang mga imported na isda.

“Does it really matter where the fish would come from? For as long as hindi ilegal ang fishing method na gagamitin sa paghuli ng isda. We can always come up with a testing procedure as part of ating sanitary requirement. We can do that bago i-ship ‘yung mga galunggong. We can conduct a test doon sa pinanggalingan para malaman natin at we will be able to reassure our consumers na hindi peligroso sa kanilang katawan ang isda,” ani Piñol.

Ginawa ni Piñol ang pahayag kasunod ng mga pangamba na baka kontaminado ng formalin ang galunggong na nanggagaling sa China.

-Beth Camia

Tags: chinadepartment of agricultureManny Pioltaiwanvietnam
Previous Post

‘Pambabastos’ pinalilinaw kay Kyline

Next Post

‘Batman’ tiniketan

Next Post

'Batman' tiniketan

Broom Broom Balita

  • Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29
  • 2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA
  • ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz
  • Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda
  • Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

May 30, 2023
Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

May 30, 2023
Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

May 30, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano

May 30, 2023
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City

May 30, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.