• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Direk Paul, dedma sa nakaraan nina Toni at Sam

Balita Online by Balita Online
August 21, 2018
in Showbiz atbp.
0
Direk Paul, dedma sa nakaraan nina Toni at Sam
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MAY ginagawang pelikula ngayon sina Sam Milby, Alex Gonzaga, at Toni Gonzaga-Soriano na produced mismo ng Ten17 Productions, ng asawa ng huli na si Direk Paul Soriano.

SAM, TONI copy

Ayaw naming isipin na isa sa ginagawang promo ng pelikula ay ang nakaraan nina Sam at Toni, na hindi naman napag-uusapan dati dahil ayaw pag-usapan, lalo na sa kampo ni Mrs. Soriano.

Ngayon lang namin ito isusulat, tutal naman ay may asawa na at masaya na si Toni kay Direk Paul.

Noong nakakatsikahan pa kasi namin si Mommy Pinty Gonzaga tungkol sa mga gagawing concert ni Toni ay nabanggit naming maganda ang partnership ng anak at ni Sam, lalo na sa mga pelikula nila dahil kumikita.

Pero tumanggi na noon si Mommy Pinty at ayaw na ayaw niya kay Sam. Tama na raw ‘yung nakailang pelikula sila. Ayaw din niyang i-guest ang binata sa shows ni Toni since co-producer siya.

Nagtataka kami kung bakit ganu’n na lang ang iling at tanggi ni Mommy Pinty kay Samuel Lloyd Milby, na hindi rin namin tinanong ang dahilan. Hanggang sa nalaman namin sa ibang tao na naging boyfriend pala ni Toni si Sam.

Hindi raw boto si Mommy Pinty kay Sam, kaya ganun na lang ang tanggi nito. At dahil masunuring anak naman talaga si Toni kaya nakipaghiwalay siya sa binata.

Ito marahil ‘yung paulit-ulit na ikinukuwento rin ni Luis Manzano, na nanliligaw din noon kay Toni, na minsang madaling araw ay tinawagan siya ng kapwa TV host, na malungkot ang boses. Inakala pa nga raw ni Luis na sasagutin na siya ni Toni noon, ‘yun pala ay ginawa siyang shoulder to cry on dahil kay Sam.

Muling inulit ni Luis ang nasabing kuwento sa show niyang I Can See Your Voice nitong Linggo, kung saan si Sam ang huhula kung sino ang secret singer, at natatawa na lang ang huli.

Anyway, nag-guest din kamakailan si Sam sa Tonight with Boy Abunda para sa promo ng seryeng Halik, at inamin niyang nagkaroon nga sila ng understanding ni Toni noon.

Nakakabilib naman si Direk Paul dahil maski alam niyang nagkaroon ng understanding ang asawa niya kay Sam ay inalok pa rin niyang magsama ang dalawa sa pelikula na siya mismo ang producer. Naniniwala marahil si Mr. Soriano na malakas pa rin ang tandem ng dalawa kasama pa ang makulit niyang hipag na si Alex.

Going back to Sam ay ipinagtanggol niya ang sarili sa sinasabi nina Yen Santos at Yam Concepcion na wild kisser daw siya, at tipong gigil na gigil siya.

“Ginagawa ko lang naman po ‘yung kailangan sa story, pero in real life, hindi po ako ganun,” depensa ni Sam.

Oo nga, mukhang naniniwala naman kaming hindi wild si Sam, maliban na lang kung ang babae ang wild. Dahil halos lahat naman ng ex-girlfriend ng aktor ay hindi siya nalilimutan dahil napaka-gentleman niya sa babae.

Kaya sa sobrang gentleman at mabait ni Sam, wala tuloy siyang girlfriend ngayon.

-REGGEE BONOAN

Tags: Alex GonzagaSam MilbyToni Gonzaga-Soriano
Previous Post

PAKI PO!

Next Post

Pilipinas vs China

Next Post

Pilipinas vs China

Broom Broom Balita

  • Mayor Degamo, nagpadala ng sulat sa Kamara bilang panawagang i-expel si Teves
  • 30 Pinoy, kasama sa mga apektado sa gumuhong gusali sa Qatar
  • Mga lalabag sa exclusive motorcycle lane sa QC, huhulihin na sa Marso 27
  • Mga guro, bibigyan ng mas mataas na honoraria — Comelec
  • 4 sugar smugglers, kinasuhan ng Bureau of Customs
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.