• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

KAPIT!

Balita Online by Balita Online
August 11, 2018
in Basketball
0
KAPIT!

TWIN TOWERS! Matikas ang kampanya ng Team Philippines-Batang Gilas dahil sa presensiya nina 7-foot-1 center Kai Sotto (kaliwa) at 6-foot-10 forwad Fil-Nigerian AJ Edu sa 2018 Fiba Under-18 Asian Championship. (FIBA PHOTO)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Batang Gilas, pasok sa World tilt; sasagupa sa Aussie sa Final Four

NONTHABURI, Thailand – May inspirasyon na gagabay sa Philippine men’s basketball team sa kanilang pagsabak sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia — at mula ito sa Batang Gilas.

TWIN TOWERS! Matikas ang kampanya ng Team Philippines-Batang Gilas dahil sa presensiya nina 7-foot-1 center Kai Sotto (kaliwa) at 6-foot-10 forwad Fil-Nigerian AJ Edu sa 2018 Fiba Under-18 Asian Championship. (FIBA PHOTO)
TWIN TOWERS! Matikas ang kampanya ng Team Philippines-Batang Gilas dahil sa presensiya nina 7-foot-1 center Kai Sotto (kaliwa) at 6-foot-10 forwad Fil-Nigerian AJ Edu sa 2018 Fiba Under-18 Asian Championship. (FIBA PHOTO)

Patuloy ang determinadong pakikibaka ng Batang Gilas at lumapit sa dalawang panalo para sa minimithing kampeonato sa 2018 Fiba Under-18 Asian Championship.

Naisalba ng Nationals ang matikas na pakikihamok ng Bahrainian side sa krusyal na sandali tungo sa 67-52 panalo nitong Huwebes sa Stadium 29 para makausad sa Final Four ng prestihiyosong torneo.

Makakaharap ng Pinoy ang Australian squad — nagwagi sa Japan (88-52) sa semifinals – Biyernes ng hapon. Magtutuos naman sa hiwalay na semifinal duel ang new Zealand at ang nakabawing China.

Naungusan ng Chinese ang South Korea sa quarterfinals match-up. Bago ito, kinailangan ng liyamadong Chinese na dumaan sa qualifying match laban sa Indonesia matapos magapi ng Batang Gilas sa Group stage.

Hataw si Kai Sotto, ang 7-foor-1 center ng Philippine Team, sa naiskor na 21 puntos, tampok ang 10 sa third period kung saan napalawig ng Batang Gilas ang bentahe sa 41-36 mula sa 26-34 paghahabol sa halftime.

Naibaba ng Nationals ang 15-2 run, tampok ang three-pointer ni Miguel Oczon para maagaw ng Pinoy ang momentum ng laro.

Humugot din si Sotto ng 10 rebounds, tatlong assists, at tatlong block para makamit ang ikaapat na sunod na panalo. Anuman ang maging resulta ng kampanya sa Final Four, sigurado na ang Philippines para makalaro sa 2019 Fiba Under-19 Basketball World Cup.

Batay sa format, ang mangungunang apat na koponan sa torneo ay makakausad sa World stage.

Nag-ambag ang 6-foot-10 Fil-Nigerian na si AJ Edu ng 16 puntos, 17 rebounds, tatlong assists, dalawang steals, at dalawang block, habang kumana si Oczon ng 10 puntos, kabilang ang 2-of-7 sa three-point area.

Nanguna sa Bahrain si Baqer Ali na may 13 puntos at siyam na rebounds.

Iskor:

PHILIPPINES (67) – Sotto 21, Edu 16, Oczon 10, Ildefonso 6, Panopio 4, Abadiano 3, Ramirez 3, Amsali 2, Cortez 2, Chiu 0, Lina 0, Torres 0.

BAHRAIN (52) – B. Ali 13, Awadh 13, M. Rashed 11, A. Rashed 7, Aboukuora 2, Dindayneh 2, Hamoda 2, Kadhem 2, A. Ali 0, Alrowaila 0, Al Koohiji 0, Nawaf 0.

Quarterscores: 20-11, 26-34, 48-45, 67-52

Tags: Al Koohijiasian gamesBasketball World CupBatang GilasjakartaKai Sotto
Previous Post

Yasmien naka-enroll na sa political science

Next Post

Joey Marquez, pumapag-ibig

Next Post
Joey Marquez, pumapag-ibig

Joey Marquez, pumapag-ibig

Broom Broom Balita

  • Zambales, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
  • Willie Revillame, binanatan ang netizens na natutuwa sa nangyayari sa ALLTV
  • DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19
  • Dingdong Dantes, sorpresang binisita ng pamilya sa set ng Family Feud
  • Marawi siege victims, mababayaran na?
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.